^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Saklolohan ng DOLE ang underpaid nurses

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Saklolohan ng DOLE ang underpaid nurses

NOON kapag sinabing sa private hospital nagta­trabaho ang nurse, kinaiinggitan. Kasi nga naman, private hospital at ang dating ay bigatin. Ma­laking ospital kaya maraming pasyente, kumpleto sa gamit, at kung anu-ano pa. Kaya maraming nurses noon ang gustong makapasok sa mga pribadong ospital para sikat. Kapag narinig ng kakilala o kaibigan na sa kilalang pribadong ospital nagtatrabaho, sasabihin “ay ang suwerte mo!’’

Pero hindi pala suwerte ang mapasok sa pribadong ospital dahil karampot ang suweldo rito pero sandamukal ang trabaho. Bukod sa mababa ang suweldo, hindi pa ibinibigay ang mga kaukulang benefits. Overworked pero underpaid ang mga nurses sa pribadong hospital.

Ayon sa report, maraming nurses sa private hos­pitals ang sumasahod lamang ng P9,000. At ang masaklap pa hindi binabayaran ang kanilang overtime. Atrasado rin ang mga benefits kahit na naisabatas na ang pagkakaloob nito sa lahat ng healthcare workers.

Mas malaking hamak ang suweldo ng mga nasa publikong hospital na ang suweldo ay P30,000. Sa ganitong sitwasyon, mas nakakainggit pala ang mga nurses sa public hospital kaysa private. Baliktad­ na ang kalagayan ngayon na mas maganda ang sitwasyon ng nurses sa publikong ospital kaysa pri­­­­bado. Maganda lang pakinggan kung nagwo-worked sa private hospital pero ang totoo, gutom!

Ang kalagayan ng nurses sa private hospital ay damang-dama ngayong may pandemya. Kawawa­ ang kalagayan nila na tila nalilimutan na. Hindi masi­sisi kung sa mga susunod na buwan, wala nang nurses sa private hospital dahil nagbitiw na at nag-aaplay para magtrabaho sa ibang bansa. Mas sigu­rado ang kinabukasan nila sa ibang bansa sapagkat triple o mahigit pa ang suweldo nila roon kumpara sa mga ospital sa Pilipinas.

Ang nakaaawang kalagayan ng nurses sa private hospital ukol sa mababang suweldo ay nararapat nang panghimasukan ng Department of Labor and Employment (DOLE). Kung hindi aaksiyon ang DOLE sa kalagayan ng nurses, mauubos ang mga nasa pribadong hospital dahil nasa ibang bansa na. Paki­alaman na ng DOLE ang problemang ito bago pa maging huli ang lahat.

DOLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with