^

PSN Opinyon

Palakasin at linisin ang baga

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang mga tao na nasira ang baga (lung) ay maaaring magkaroon ng mas mahirap na kalagayan kaysa sa mga taong malinis ang baga. Ang mga kondisyon, tulad ng COPD, hika, at cystic fibrosis, ay nagdudulot ng labis na produksiyon ng mucus o makapal na plema na maaaring bumara sa baga.

Ang toxins mula sa usok ng sigarilyo o air pollution na pumasok sa mga baga ay maaaring makaapekto sa buong katawan. Ang tao ay maaaring makaramdam ng bigat sa dibdib at baradong pakiramdam.

Paraan para linisin ang baga:

1. Steam therapy—Ang paglanghap ng singaw ng tubig ay para buksan ang mga daanan ng hangin at tulungan ang baga na umagos ng plema. Maaaring matuyo ng klima ang mga mucous membranes sa mga daanan ng hangin. Sa kabaligtaran, ang steam ay nagdaragdag ng init at moist sa hangin, na maaaring mapabuti ang pag­hinga at tulungan na lumabas ang plema.

2. Kontroladong pag-ubo—Ang kontroladong ubo ay maaaring makatulong na malabas ang plema. Gawin ito: Umupo sa upuan at i-relax ang balikat, ilapat ang mga paa sa sahig, itiklop ang mga braso sa tiyan. Dahan-dahan lumanghap sa ilong at itulak ang mga braso paloob sa tiyan habang umuubo ng 2 o 3 beses. Magpahinga at ulitin kung kailangan.

3. Gawin ang postural drainage—Ang postural drainage ay ang paghiga sa iba’t ibang posisyon para magamit ang gravity para alisin ang plema. Gawin ang mga sumusunod:

—Humiga nang nakatihaya. Maglagay ng isang unan sa ilalim ng balakang upang matiyak na ang dibdib ay mas mababa kaysa sa balakang. Dahan-dahang lumanghap sa ilong at huminga nang palabas sa bibig. Ang bawat exhale ay dapat mas matagal kaysa inhale. Magpatuloy nang ilang minuto.

—Humiga naman sa kaliwang gilid. Gawin ulit ang paglanghap ng ilang minuto.

—Humiga sa kanang gilid at ulitin muli. (4) Humiga ng nakadapa at magpatuloy ng ilang minuto.

4. Tambulin ang dibdib (chest clapping)—Ang pagtambol ng dibdib ay isang epektibong paraan upang alisin ang sobrang plema sa baga. Gamitin ang kamay para i-tap ang dibdib para matanggal ang mga nakadikit na plema sa baga. Ang pinagsamang pagtambol sa dibdib at postural drainage ay maaaring makatulong na linisin ang mga daanan sa sobrang plema.

5. Ehersisyo—Ang regular na ehersisyo ay maaaring mapabuti ang pisikal at mental na kalusugan ng mga tao, at binabawasan nito ang panganib ng maraming mga kondisyon sa kalusugan, kabilang ang stroke at sakit sa puso. Ang ehersisyo ay nagpapalakas ng mga kalamnan o masel ng paghinga. Pinapataas din ang rate ng paghinga, na nag-reresulta sa mas malaking suplay ng oxygen sa katawan. Nagpapabuti rin ito ng sirkulasyon, at ginagawang mas mahusay ang katawan sa pag-alis ng labis na carbon dioxide.

LUNG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with