^

PSN Opinyon

Ang may K

REPORT CARD - Atty. Ernest Maceda - Pilipino Star Ngayon

Hindi sorpresa na ginawang kalihim ng Edukasyon si Vice President Sara Z. Duterte. Nakasaad sa Saligang Batas na ito ay maaring i-appoint sa Gabinete na hindi daraan sa pagsuri ng Commission on Appoint­ments. Lahat nang naging vice president, mula 1986, ay binigyan ng puwesto. Si Salvador H. Laurel ay na­upong unang Secretary of Foreign Affairs ni Corazon C. Aquino; si Joseph E. Estrada ay ginawang Cabinet rank na PACC ni Fidel V. Ramos; si Gloria Macapagal-Arroyo ay sa Social Welfare and Development ni President Estrada; si Teofisto Guingona ay umupong Secretary of Foreign Affairs at si Manuel “Noli” de Castro ay sa HUDCC, kapwa vice president ni President Macapagal-Arroyo; si Jejomar Binay sa HUDCC din ni Benigno C. Aquino III at maski si Leonor G. Robredo ang naging unang HUDCC chair ni Rodrigo Roa Duterte.

Hindi man ticket voting ang sistema sa’tin (na ang boto sa president ay boto rin sa vice president), hindi naging balakid sa pagpuwesto ng vice president kung kakampi ito o hindi. Ito ay pagkilala sa natatanging kuwalipikasyon ng huli—ang tiwala ng taumbayan. Ito rin ang dahilan kung bakit wala nang partisipasyon ang Commission on Appointments. Dahil ito’y halal ng buong bansa, ‘di tulad ng karaniwang kalihim na napuwesto dahil sa tiwala ng president.

Itong huling tambalang Duterte at Robredo ay hindi rin nauwi sa mabuting samahan. Kung kaya maging ang pagkapuwesto ni VP Leni Robredo bilang kalihim ay naunsiyami. At, dahil din sa lamat sa relasyon, hindi ito tinatakda bilang Office in Charge ni PRRD kapag bumibiyahe palabas. Kung hindi si dating Executive Sec­retary Salvador Medialdea ay si dating Justice Secretary Menardo Guevarra ang laging OIC.

Tama lang si PBBM na si VP Sara Z. Duterte ang ini­lagay na OIC itong biyahe niya pa-Indonesia at Singapore. Sa parehong katwiran. Si VP Duterte ay mas may K kaninoman dahil halal ito ng buong bansa.

COA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with