^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Exodus ng nurses mapigilan na kaya?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Exodus ng nurses mapigilan na kaya?

Patuloy ang pag-alis ng mga nurses para mag­trabaho sa ibang bansa sapagkat malaki ang kita roon. Karaniwan sa mga nangingibang bansa ay mga nurses sa pribadong ospital. Noong naka­raang buwan, maraming nurses ang nagtungo sa Kuwait samantalang ang iba naman ay sa U.K. Napa­kalaki ng sahod ng mga nurses sa mga nabanggit na bansa.

May katwirang magbitiw ang mga nasa pribadong ospital at hanapin ang kapalaran sa ibang bansa dahil sa napakaliit na kita. Ayon sa report, ang mga nurses sa private hospitals ay sumasahod lamang ng P8,000 hanggang P20,000. Sobra-sobra pa umano sa oras ng duty ang mga nurses at hindi umano binabayaran ng overtime. Napakaliit ng sahod nila kumpara sa sinasahod ng nurses sa public hospital na sumasahod ng P33,000 hanggang P40,000.

Ang hindi pagkakapareho ng sahod ng mga nurses sa pribado at publikong ospital ay pinansin ni President Ferdinand Marcos at nangako siya na papantayin ito. Nagsalita si Marcos sa 100th anniversary celebration ng Philippine Nurses Association (PNA) sa Manila Hotel noong Huwebes.

Hindi lamang ang problema sa sahod ang ini­rereklamo ng mga nurses at iba pang healthcare workers kundi pati na rin ang atrasadong pagbi­bigay ng Special Risk Allowance (SRA). Noong naka­raang taon, sunud-sunod ang protestang isinagawa ng HCWs dahil hindi ipinagkakaloob ang kani­­lang SRA at benepisyong umabot sa P11 bilyon. Sa 1.8 milyong HCWs, maliit na porsiyento lamang ang nabigyan ng benepisyo at allowances.

Ang pagkaatrasado ng pagbibigay ng SRA ang nagbunsod kay dating President Rodrigo Duterte na lagdaan ang Republic Act 11712 (Public Health Emergency Benefits and Allowances for Health Care Workers Act). Layunin ng batas na mabigyan nang tuluy-tuloy na benepisyo ang mga public at private health workers sa panahon ng COVID-19 at sa mga maaari pang mangyaring public health emergencies sa hinaharap.

Tuparin ang pangakong pagkakapantay ng sahod ng mga nurses at iba pang HCWs. Ito ang paraan para mapigilan silang mangibang bansa. Sagot din ito para matigil ang mga protesta hinggil sa atrasadong pagbibigay ng allowances at mga benepisyo.

NURSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with