^

PSN Opinyon

NCAP magandang konsepto, pero...

AKSYON NGAYON - AL G. Pedoroche - Pilipino Star Ngayon

Maganda sanang ideya ang No Contact Apprehension Policy (NCAP). Mababawasan ang mga traffic enforcers at pulis na nangongotong sa mga traffic violators.

Sa mga naka-deploy na camera, nakukunan ng video ang mga lumalabag sa trapiko. Ang kaukulang penalty o multa ay mare-reflect na lang sa kanilang pagpaparehistro ng sasakyan.

Ang problema lang dito ay ang may-ari ng behikulo ang mananagot sa paglabag ng driver na nagmamaneho ng sasakyan. ‘Yun lang ang nakikita kong aberya. Pabor ito sa mga drivers pero hindi makatarungan sa vehicle owner.

Maliban na lang marahil kung seryosong aksidente na may nasaktan o namatay, diyan na aktuwal na papasok­ ang mga awtoridad. Pero papaano kung kaso ng hit and run at bigla nang nagtago ang driver? Malaking perwisyo ito sa may-ari ng sasakyan.

Maraming nagprotesta laban sa implementasyon ng NCAP gaya ng Kilusan sa Pagbabago ng Industriya ng Transportasyon. Nag-issue ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) na pansamantalang pumi­pigil sa NCAP.

Sa ibang bansa, ipinatutupad na ang sistemang ito dahil hindi uso roon ang nagpapahiram ng sasakyan kung kani-kanino. Dito sa atin, kapag hiniram ni kumpare ang kotse natin, hindi tayo makatanggi. Kaya kapag may paglabag siya sa trapiko, tayo ang tiyak na magmumulta.

Ngunit maliban sa aking mga nabanggit, nagagandahan­ ako sa konseptong ito. Sana, patuloy itong mai-fine tune ng mga awtoridad para maayos na maimplementa sa ating bansa.

NCAP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with