^

PSN Opinyon

Benepisyo ng munggo at iba pang gulay

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Masustansiya, masarap, at mura ang munggo. Mali ang paniniwala na masama ito sa arthritis. Sa katunayan, marami itong benepisyo sa puso, utak at katawan.

Ilan sa mga benepisyo ng munggo ay:

1. Bagay ito sa lahat ng tao dahil napakaraming bita­mina at mineral tulad ng vitamin A, vitamin K, vitamin B1 o Thiamine, B2 o Riboflavin, B3 o Niacin o Trytophan, B5 o Panthothenic acid, B6 o Pyridoxine, B9 o Folate o Folic Acid; mga mineral tulad ng copper, iron, manganese, zinc, phosporus, magnesium, potassium, calcium at sodium.

2. Bagay ang munggo sa lumalaking bata dahil sa kumpleto sa bitamina at mineral.

3. Meron itong anti-oxidants laban sa pagtanda at panlaban sa kanser gaya ng vitamin A, C, E at beta carotene. Ang vitamin A, B1, B2, B6 ay pang-neutralize ng free radicals laban sa cancer at Alzheimers’ disease.

4. Ang laman na purine ng munggo ay katamtaman lamang kaya puwedeng kainin ng may rayuma. Kung mataas ang uric acid, hinay-hinay lang sa pagkain, hindi po bawal. Ang bawal sa merong gout ay ‘yung mataas sa purine tulad ng atay, pale, bato, balunan o yung nasa bopis.

5. Ang munggo ay mayroong isoflavones na katulad ng hormone na estrogen ng babae na kailangan para sa pre-menstrual syndrome, hot flushes at insomnia.

6. Ang munggo ay may taglay na calcium at phosphorus para sa buto.

7. Maganda sa puso dahil walang cholesterol at ang fiber sa munggo ay laban sa bad cholesterol.

8. Inirerekomenda ito ng American Diabetes Association dahil mababa ito sa Glycemic Index kaya puwedeng kainin ng may diabetes.

Mga benepisyo ng gulay

1. Para kumpleto sa bitamina—Ilan sa mga masustansiyang gulay ay ang pechay, broccoli, cauliflower, kangkong, ampalaya, malunggay, spinach, talong, okra at talbos ng kamote.

2. Panlaban sa sakit—Ang gulay ay maganda ring panlaban sa sakit tulad ng sakit sa puso, high blood pressure, diabetes, at sakit sa tiyan.

3. Makaiiwas sa kanser—Ayon sa pagsusuri, ang pagkain ng sapat na gulay at prutas araw-araw ay makababawas sa pagkakaroon ng kanser ng 3 to 10 percent.

4. Para maging regular ang pagdumi—Mataas ito sa fiber na parang nagsisilbing walis na lumilinis sa ating bituka. Bawasan ang pagkain ng karne at taba na kulang sa fiber.

5. Panlaban sa stress—Ang gulay ay mataas sa vitamin B, na makatutulong sa ating ugat at makababawas sa stress.

Inirerekomenda ko na kumain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas bawat araw.

FOLATE

UTAK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with