^

PSN Opinyon

Tantanan n’yo ang mga magsasaka!

BITAG - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Dumarami ang mga magsasakang humihingi ng saklolo sa unfiltered BITAG. Nitong nakaraang buwan lang, sunud-sunod na reklamo mula sa malalayong probinsiya ang nakaabot sa aking tanggapan. Hindi lang magsasaka ng palay ang tinu­tukoy ng BITAG dito. May magsasaka ng mga gulay, prutas at maging halaman.

Kapansin-pansin na iisa lang ang estilo ng modus o paraan ng panloloko sa mga pobreng magsasaka. Ang mga nasa likod, nagpapakilalang traders o independent buyers­. Ang modus: kokontratahin ang mga magsasaka ng tone-toneladang ani. Pangangakuan nang malaking presyuhan subalit pagdating ng anihan, tatakbuhan lang ang mga pobre.

Take note, ang mga dorobong buyer, dumadayo pa sa mga liblib na bayan ng mga probinsya upang makapanloko. Para umano mabilis ang transaksiyon, hinihikayat ng mga buyer na huwag nang gumawa ng kahit anong kasulatan o ‘wag nang dumaan sa tsetseburetseng proseso. Sini­silaw ang mga magsasaka sa malaking presyuhan na walang mamamagitan na ahensiya upang hindi raw mabawasan ang kanilang kita.

Kaya ang mga magsasaka, napipilitang kagatin ang patibong ng mga dorobo. Hindi na dumadaan sa munisipyo o sa local acgriculture office upang ipaalam at irehistro ang transaksiyon. Ang ending, bulag ang municipal agri­cul­ture­ officer ng probinsiya. Nagkakanda-ikot-ikot ang mga puwet nila kapag hindi nabayaran ang mga magsasaka.

Ang pinakamasaklap sa parte ng mga magsasaka, inutang sa banko ang puhunan sa binhi. Ipinrenda pa ang mga sinasakang lupa kaya’t nanganganib na maremata ng banko. Isa ito sa mga dahilan kung bakit maraming magsasaka ang hindi makaahon mula sa laylayan. Tinuturing­ silang bayani­ subalit ang katotohanan, sila ay mga biktima ng mga hina­yupak na dorobong nagpapakilalang buyer.

Dapat paigtingin ng mga local na tanggapan ng agrikul­tura ang pagpapalaganap ng impormasyon at pagbibigay ng babala sa mga magsasaka. Panahon na upang lumabas sa kanilang mga de-airconditioned na opisina upang kilalanin kung sinu-sino ang mga magsasaka sa kanilang nasasakupan.

Magkaroon ng all points bulletin sa mga karatig-probinsiya laban sa mga mapanlinlang na buyer na lumilipat-lipat lamang ng lugar para makahanap ng bagong biktima. Silipin ang kanilang mga aktibidades o kasalukuyang transaksiyon. Sa paraang ito, mapuprotektahan ang interes ng mga magsasaka.

Bukas ang tanggapan ng BITAG sa mga lokal na pamahalaan, mga mambabatas at maging sa mga non-government organization (NGO) na masuportahan, maprotektahan at mapangalagaan ang ating mga magsasaka.

Kayong mga dorobo, kapag umabot sa BITAG ang inyong panloloko—hindi pa man kayo wanted sa hukuman at mga alagad ng batas—tutugisin namin kayo. Tantanan niyo ang panloloko sa mga magsasaka!

BITAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with