INILALAPIT ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Mel Robles ang gobyerno ni President Bongbong Marcos sa mga mayors at constituents nila sa Metro Manila. Kaya sa unang dalawang linggo niya sa puwesto, paisa-isang nilibot ni Robles ang Metro Manila para mag-courtesy call sa mga local chief executives at alamin ang mga pangunahing pangangailangan nila sa panahon ng pandemya at kalamidad.
“Gusto ko maramdaman nila ang presence ng presidente. Na mahalaga sila at ang mga constituents nila kay Pangulong BBM,” ani Robles. Eh di wow! Hindi naman na-discuss ni Robles ang Small Town Lottery at iba pang palaro ng PCSO sa mga mayors na nakaharap niya. Nakipag-coordinate lang siya sa mga mayor para agad-agad at sagad-sagad ang ayuda na ipapadala sa kanila sa oras ng pangangailangan nila. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Madaragdagan ang pogi points ni President BBM sa mga ginagawa ni Robles, di ba mga kosa? Mismooooo!
Noong Miyerkules, si Robles at Josefina Sarsonas-Aguas, ang department manager ng PCSO sa National Capital Region ay nag-courtesy call kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, sabay abot ng tsekeng nagkakahalaga ng P16,305,343.79 bilang share ng siyudad sa palarong lotto mula Enero hanggang Hunyo. Siyempre, natuwa si Mayor Belmonte dahil magagamit n’ya ang pera sa pagsugpo ng dengue at kung anu-ano pang sakit na lumalaganap sa ngayon sa Pinas.
“Nais ko pong ipaabot kay GM Robles at sa buong PCSO Family ang aking taos-pusong pasasalamat. Ang halaga ng aming natanggap mula sa lotto sales ng PCSO ay aming ipapasa sa aming Social Services Development Department para makatulong sa mga mamamayan natin na nangangailangan lalo na yung mga naapektuhan ng pandemya, dengue, at leptospirosis na uso ngayon dahil nasa panahon tayo ng tag-ulan. Rest assured that you have a friend in Quezon City,” pahayag ni Mayor Belmonte.
Ang pagbisita ni Robles sa Quezon City ay naglalayon din na higpitan ang relasyon ng PCSO sa LGU sa sunod na anim na taon, lalo na sa pagsuporta ng gaming products ng ahensiya. Tumpak! Hak hak hak! Patok talaga ang mga ideya ni Robles para palawakin ang suporta ng LGU sa Lotto, STL at ipa pang palaro nila. Mismooooo!
Unang dinalaw ni Robles, sina Mandaluyong City Mayor Ben Abalos, Pasay City Mayor Emi Rubiano at Marikin City Mayor Marcy Teodoro. Ang Marikina ay palaging binabaha kaya kailangan talaga ang agad-agad na tulong ng PCSO.
Mabuhay si Robles! Walang kokontra ha? Abangan!