^

PSN Opinyon

Mga paraan para hindi magka-wrinkles

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming bagay ang nagdudulot ng wrinkles. Ang balat natin ay gawa sa isang matibay na balot (keratin) na hindi pinapasok ng tubig. Sa ilalim ng balat ay may collagen, elastin fibers, nerves at may makapal na layer ng taba.

Sa edad 20 hanggang 30, nababawasan na ang paggawa ng collagen ng balat. Parang isang rubber band ang collagen at ito ang nagpapakinis ng balat. Pero sa pag-edad, ang mga collagen at elastin fibers ay kumakapal at lumuluwag. Ito ang dahilan ng pagkulubot ng balat. Nababawasan din ang moisture sa balat at lumiliit ang mga fat cells sa ilalim ng balat.

Sa edad 40, titigil na ang paggawa ng collagen ng balat. Ang natitirang collagen at elastin fibers ay unti-unting nababali, tumitigas at parang rubber band na lumuluwag. Ito ang nagdudulot ng wrinkles.

Sa edad 50, ang balat ay nanunuyo at madaling masugat o magasgas. Nababawasan ang oil glands. Kapag ang babae ay nag-menopause, manunuyo at magiging manipis din ang balat.

Ang pagkulubot ng balat ay namamana rin sa magulang. Kapag makinis ang mukha ng iyong magulang, makinis din ang iyong balat.

Ang pag-edad ay hindi maiiwasan. Pero mayroong magagawa para gumanda ang kutis.

Narito ang aking payo:

1. Huwag magbilad sa araw. Ang araw ay nagpapakulubot ng balat, nagdudulot ng freckles at posibleng magka-skin cancer pa dahil sa UV light. Magtago sa matinding sikat ng araw mula 10:00 ng umaga hanggang 4:00 hapon.

2. Gumamit ng sunblock na may taglay na SPF 15 o 30.

3. Itigil ang paninigarilyo at pag-inom ng alak. Ang paninigarilyo ay nakatatanda dahil nababawasan ang daloy ng dugo sa balat. Ang alak naman ay nagdudulot ng wrinkles dahil hihina ang iyong resistensiya at babagsak ang katawan.

4. Uminom ng walng basong tubig araw-araw para manatiling malambot ang iyong balat.

5. Kumain ng dalawang tasang prutas at dalawang tasang gulay araw-araw. Sagana ito sa vitamins A, C, E at biotin na tinuturing na anti-oxidants. Umiwas sa pagkaing matataba, mamantika at sitsirya.

6. Magbawas sa stress, at maging masiyahin. Totoo ang kasabihan na tumawa ka at ikaw ay gaganda.

WRINKLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with