Usapang ConCom

Hindi ikinagulat ang pagtalaga kay Atty. George Erwin Garcia, kilalang Election Law practitioner, bilang Chairman ng Commission on Elections (Comelec). Nauna na itong inilagay bilang miyembro ng commission ni dating­ Pangulong Rodrigo Roa Duterte nang patapos na ang admi­nistrasyon ng huli. Hindi siya pinalad ma-confirm noon ng Commission on Appointments subalit napaganda­ pa ang kanyang sitwasyon sapagkat iniangat pa siya ng bagong Pa­ngulong Ferdinand R. Marcos Jr. bilang Chairman.

Halatang napag-isipan ang mga panukala ni Chairman Garcia nang matanong sa kanyang plano para sa Comelec. Aniya’y structural reforms ang kailangan. Una na rito ang pagtatag ng Comelec Academy para sa mga empleyado.

Isa ako sa matagal nang naghihintay sa ganitong pagpapatotoo. Ang trabaho sa mahalagang komisyong ito ay sobrang sensitibo. Kailangan ay may alam ka tungkol sa mga patakaran sa pagboto. Subalit kung titingnan ang mga kolehiyo at pamantasan, wala kang mahahanap na kurso na naghahanda para sa patakbo ng eleksiyon sa bansa.

Kung kaya ang isang akademya na magtuturo sa kaila­ngang malaman sa eleksiyon ay malaki ang maitutulong upang pabilisin ang trabaho at mabawasan ang matagal na pagmatrikula ng mga kawani at magiging kawani ng komisyon.

Pinuna rin ni Chairman Garcia ang kawalan ng sariling­ gusali o headquarters (HQ) ng Comelec ‘di tulad ng Cons­titutional Commission (ConCom), Commission on Audit (COA) at Civil Service Commission (CSC), na pawang may sariling “bahay” malapit sa Batasan Complex.

Hindi lamang ang main HQ ang kulang, kung tutuusin. Sa halos lahat na munisipyo at kapitolyo, parang squatter o nangungupahan lang ang mga local election offices. Ang mga nakapuwestong lokal na opisyal ang kanilang pinakikisamahan at  tumatayong host o di kaya’y landlord. Kung siseryosohin ng Comelec ang pagtayo ng sariling gusali, sana ay pag-usapan na rin nila ng COA at CSC ang pagtayo ng pinagsamang HQ sa bawat lokalidad nang sa ganoon ay walang bahid na duda sa kanilang mga desisyon.

Usapang ConCom

Report card Maced

Show comments