^

PSN Opinyon

Benepisyo ng isda at iba pang tips pangkalusugan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Maraming protina, bitamina at minerals ang isda kumpara sa karneng baboy at baka. Sagana sa omega-3 fatty acids ang isda, gaya ng bangus, sardinas, mackerel at salmon.

Ang pagkain ng isda ay makatutulong para makaiwas sa mga sakit na gaya ng mga sumusunod:

1. Hika—Ang mga batang mahilig sa isda ay mas hindi hinihika.

2. Para sa utak at mata—Ang isda ay sagana sa omega-3 fatty acids na mabuti sa ating utak at likod ng mata o retina.

3. Kanser—May tulong ang omega-3 fatty acids sa pag-iwas sa kanser sa suso, obaryo, prostate, bibig at lalamunan.

4. Sakit sa puso—Ang pagkain ng isda ng tatlong beses sa isang linggo ay nakababawas sa sakit sa puso, pagbabara ng ugat at problema sa cholesterol.

5. Para tumalino—Kung gustong tumalino ang mga bata, kumain din ng isda.

6. Pagkalungkot—Ang mga mahilig kumain ng isda ay mas hindi nade-depressed, dahil sa taglay na omega-3 fatty acids.

7. Diabetes—Mas nakokontrol ang blood sugar ng mga diabetic kapag isda ang kakainin nila.

8. Arthritis at psoriasis – Nakababawas ng sintomas ng arthritis at psoriasis ang pagkain ng isda.

* * *

Mabisang tips sa kalusugan

1. Kumain ng kaunting pagkain—Maraming pag-aaral ang nagpakita na ang pagbabawas sa pagkonsumo ng calories ay nagpapahaba ng buhay. Ayon sa teorya sa pag-diyeta, ang pagkain ng mas kaunting pagkain (20 percent na mas kaunti) ay maaaring mabawasan ang dami ng pama­maga sa mga daluyan ng dugo at maaaring bawasan ang dami ng mga lason sa katawan. Kahit sa panahon ng Bibliya, ang pag-fasting at pag-iwas sa ilang mga pagkain ay hinihikayat.

2. Subukan ang Mediterranean Diet—Ang Mediterranean diet ay binubuo ng gulay, prutas, beans, mani at olive oil. Ang mga isda at manok ay kinakain din ng katamtaman. Ipinakikita ng mga pag-aaral na ang mga taong kumonsumo ng Mediterranean diet ay makaiiwas sa sakit sa puso at Alzheimers Disease. Sa katunayan, itinuturing ito ng ilang mga eksperto bilang pinakamasustansiyang diyeta.

3. Piliin ang masustansyang fats—Mayroong dalawang uri ng taba o fats: ang masustansya at hindi masustansyang taba. Ang mga hindi masustansyang taba (saturated fats at trans-fatty acids) ay nagdudulot ng sakit sa puso. Ang saturated fats ay matatagpuan sa mantikilya, creams, at taba ng baboy at baka. Ang trans fats ay matatagpuan sa margarines at cooking oil at mga pagkaing dumaan sa proseso kagaya ng biscuits. Tingnan ang label at subukang bawasan ang pagkain nito. Sa kabilang dako, ang masustansyang fats ay matatagpuan sa mani, abokado at matatabang isda katulad ng salmon, sardines, mackerel at tilapia. Kung mamimili, piliin ang low-fat milk at low fat na mga palaman. Alisin ang mga nakikitang taba bago ito lutuin.

4. Panatilihin ang kalinisan sa ngipin—Ang pagkakaroon ng sakit sa gilagid ay nauugnay sa sakit sa puso at sa katunayan ay maaaring magpaikli ng buhay. Pinaniniwalaan na ang pamamaga sa gilagid ay nauugnay din sa pamamaga ng mga ugat sa puso. Ang impeksyon sa bibig ay maaaring humantong sa delikadong impeksiyon sa valve ng puso. Magsepilyo ng ngipin tatlong beses kada araw. Gumamit ng panlinis ng dila para matanggal ang bakterya at mag-floss din araw-araw.

SALMON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with