^

PSN Opinyon

Misyon nila hilumin ang mga ‘nasapian’

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Napaulat kamakailan ang seminarista na sinapian ng demonyo. Sakitin siya at mahilig sa anime. Nakipagkasundo sa demonyo. Sumigla siya at humusay sa pagguhit ng anime, gamit nang sabay ang dalawang kamay. Hirap na siyang maramdaman ang presensiya ng Diyos; mas ramdam na niya ang demonyo.

Di naglaon, nawawala na siya sa sarili. Nagigising sa umaga na nakaupo sa hapag kainan at di maalala kung paano nakarating du’n. Minsan tinangka niyang saksakin ang isang pari. Sinugatan ang sarili at iginuhit sa dugo ang pentagram na umano’y simbolo ng demonyo bago pumasok sa kapilya.

Idinala siya kay Fr. Jose Francisco Syquia, punong exorcist ng Catholic Archdiocese of Manila. Kasama ang ibang mga pari at doctor, nag-pray over si Fr. Jocis—at napalayas ang demonyo. Bumalik-loob sa Diyos ang seminarista.

Hepe si Fr. Jocis ng 200-miyembrong Philippine Association of Catholic Exorcists. Bukod sa mga pari, meron ding mga debotong clinical psychologist, psychometrician, psychotherapists at lay volunteers. Malimit iulat ni batikang mamamahayag Cathy Cañares Yamsuan ang kanilang mga tagumpay laban sa prinsipe ng kadiliman.

Isa lang ang seminarista sa 10 kaso ng demnic possession na dinadala araw-araw sa Archdiocese of Manila Office of Exorcism. Iba’t iba ang anyo ng pag-atake ng demonyo: demonic oppression (55%) tulad ng nakaririnig ng kung anu-anong boses, pag-amoy ng baho, at di-maintindihang mga pasa at sugat; pagmamaligno ng mga bahay o opisina (21%); possession (15%) pagsapi ng isa o maraming masasamang espiritu; at karumal-dumal na naiisip (9%) gaya ng pagpatay, pagpatiwakal at kalapastanganan sa Diyos.

Matinding tiwala sa Diyos, dasal at mabuting gawa ang mga kalasag kontra sa atake ng demonyo. Makapangyarihan ang Diyos sa lahat.

vuukle comment

DEMONYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with