^

PSN Opinyon

‘Ampalaya’

UNFILTERED - Ben Tulfo - Pilipino Star Ngayon

Marami pa rin talaga ang mga tinatawag na “bitter” o ‘di naman kaya ay “ampalaya.”

Paano ba naman, halos tatlong buwan nang nakalipas matapos ang eleksyon eh para sa kanila ay election season pa rin. Hindi pa talaga maka-get over sa resulta.

May mga netizens kasi na nagalit sa inasal ni Pasig Mayor Vico Sotto nang bumisita si President Bongbong Marcos sa Pasig Sports Complex noong August 1 para ikampanya ang programa ng Department of Health na may kinalaman sa vaccination.

Tinuligsa ang mayor ng Pasig sa pag-welcome nito sa siyudad kay BBM. Tinawag na balimbing, trapo at enabler si Mayor Vico.

Bakit? Eh kasi raw noong 2016 ay nag-tweet pa si Vico laban sa ama ni BBM na si Ferdinand Marcos Sr. Kesyo tina­wag na diktador at hindi bayani si Marcos Sr.

Nanahimik din daw si Vico nitong nagdaang eleksiyon at walang inendorsong presidential candidate.

At ngayon, tatlong buwan matapos ang eleksiyon ay bukas-palad, nakangiti at masayang sinalubong pa raw ni Vico si BBM sa kanilang siyudad.

Ayun, nagalit ang mga bitter kay Vico. Lahat ng mga katawagang ‘di-maganda nitong mga ampalaya.

No holds barred, Unfiltered, sila ‘yung mga solid dilawan at pinklawan na hindi pa rin tanggap na ang nanalo at hinalal na presidente ng Pilipinas ay si BBM.

Ano ba ang inaasahan ng mga bleeding hearts na ito, bastusin at palayasin ni Vico si BBM palabas ng Pasig?

Simple lang ang mensahe ko para maintindihan ng mga kolokoy na nakatuwad ang kukote.

Hindi lang presidente si BBM ng 31 milyon na bumoto sa kanya. Siya ay presidente na ng 110 milyong populasyon ng buong Pilipinas.

So, shut the F up, get out of the way and let those winners in the election lead.

And for the losers, try again after six years. You can start blabbering in your mouth again after six years.

AMPALAYA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with