^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Balik ROTC

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Balik ROTC

BINUWAG ang Reserve Officers Training Corps (ROTC) noong 2008 nang isabatas ang Republic­ Act 9163 o National Service Training Program (NSTP). Naging voluntary na lamang ang ROTC. Isa sa mga dahilan kaya binuwag ang ROTC ay dahil sa malagim na pagpatay kay UST cadet officer Mark Wilson Chua ng mga kapwa niya cadet officer noong 2001. Ibinulgar ni Chua ang corruption sa ROTC ng unibersidad. Pinatay si Chua sa pamamagitan ng pagbigti. Binalot siya sa kutson at saka itinapon sa Ilog Pasig. Nahuli ang mga pumatay sa kanya subalit may mga nakalalaya pa.

Nasaklot ng takot ang mga magulang sa karahasang nangyari. Hindi nila maubos maisip na may magbu­buwis ng buhay habang nasa ROTC na dapat ay nasa mabuting kamay ang kanilang mga anak. Masyadong malagim ang pangyayari na nagpabago sa pananaw ng mga magulang at estudyante mismo sa ROTC. Ang pagkamatay ni Chua ang tulu­yang nagbuwag sa ROTC. Nakalaya ang mga estud­yante sa puwersahang pagti-training na ginaganap kung Linggo habang nakabilad sa init ng araw.

Ngayon ay ibinabalik at bubuuin muli ang binu­wag noong 2008. Sa State of the Nation Address (SONA) ni President Ferdinand Marcos Jr. noong Lunes, isa ang mandatory ROTC sa kanyang pra­yo­ridad. Inaatasan niya na gumawa ng batas para sa mandatory ROTC sa Grade 11 at 12. Ayon kay Marcos­, ang layunin ay para masanay at maorganisa ang mga estudyante sa pagtatanggol sa bansa at maihanda na rin sa mga kalamidad at mga katulad na sitwasyon.

Ang pagbabalik ng ROTC ay unang sinabi ni Vice President Sara Duterte makaraan siyang italagang DepEd secretary. Prayoridad niya ang pagbabalik ng ROTC na lumutang na rin sa panahon ng kanyang amang si dating President Rodrigo Duterte.

Kailangan bang iprayoridad ang ROTC sa kasa­lukuyang sistema ng edukasyon sa bansa. Kaila­ngan bang idaan sa pagti-training ang mga bata. Sa halip na ROTC, hayaan ang mga bata na pumili ng kasanayan kung saan sila nababagay. Tama na ang National Service Training Program na ipinatutupad sa kasalukuyan. Hindi na dapat ibalik pa ang ROTC na posibleng mabatbat muli ng korapsiyon. Wala rin namang natutuhan ang mga estudyante sa ROTC at pagsasayang lang ng oras na dapat ay na­iukol sa mahalagang gawain.

ROTC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with