^

PSN Opinyon

EDITORYAL-Higpitan, pagma- may-ari ng baril

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL-Higpitan, pagma- may-ari ng baril

Sa United States, sunud-sunod ang mga pagpatay na ang ginamit ay baril. Maluwag ang pagma­may-ari ng baril doon kaya naman karaniwan na lamang na makabalita na maski estudyante ay namamaril sa eskuwelahan. Ngayong taon na ito, ilang malalagim na pangyayari sa U.S. ang naganap at mismong sa eskuwelahan pa naganap ang pamamaril na marami ang namatay.

Sino ang mag-aakala na may mangyayari ring pa­­ma­maril sa Pilipinas at sa loob pa ng isang kilalang unibersidad. Ito ang unang pagkakataon na may napatay sa unibersidad gamit ang baril—tatlo ang napa­tay at dalawa ang nasugatan.

Ang mga napatay ay si dating Lamitan City, Basilan­ mayor Rose Furigay, kanyang aide na si Victor George Capistrano at ang Ateneo security guard na si Jeneven Bandiola. Nasugatan naman ang anak na babae ni Furigay at isa pang babae. Naganap ang pamamaril noong Linggo, araw ng graduation sa Ateneo de Manila Law school sa Quezon City.

Ang namaril ay si Chao Tiao Yumol, isang doktor. Nakapasok sa unibersidad si Yumol habang naka­sakay sa transport network vehicle. Inabangan nito si Furigay na noon ay dadalo sa graduation ng anak. Ayon sa kampo ng mga Furigay, may matinding galit si Yumol sa dating mayor na nagsimula pa noong 2018. Nagtayo ng clinic si Yumol sa Lamitan subalit walang permit kaya ipinasara ni Furigay sa order na rin ng  Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao. Mula noon, nag-post na sa social media si Yumol ng mga masasamang paratang laban kay Furigay. Sinampahan siya ni Furigay ng 70 cyberlibel complaints. Noong Setyembre 2019 sumuko si Yumol sa mga pulis.

Matapos ang pamamaril, tumakas si Yumol. Kinu­mander ang isang kotse patungong Aurora Boulevard pero inabandona niya ito at sumakay ng isang bus patungong Marikina pero nahabol siya ng mga pulis at taumbayan at nahuli. Sa televised interview inakusahan ni Yumol si Furigay at asawang si Rode­rick, kasalukuyang mayor ng Basilan na sangkot sa drug trafficking. Marami raw kabataan sa Lamitan ang addict sa droga.

Ang trahedyang ito ay nagpapaalala sa mga awto­ridad na dapat suriin ang pagbibigay ng permit sa pagmamay-ari ng baril. Higpitan pa. Umano’y dalawa ang dalang baril ni Yumol. Masyado nang maluwag ang awtoridad sa pagkuha ng baril. Isyu rin ang seguridad sa pangyayari. Naipasok ni Yumol sa unibersidad ang mga baril na wala nang ginawang pagtsek o pagrekisa.

BASILAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with