^

PSN Opinyon

'Ally' si Tatay

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
'Ally' si Tatay
Ang misis na si Marieza ang "secret weapon" ni Ka Leody, na hanggang ngayon ay suportado ang kanyang pakikipaglaban para sa mga manggagawa.

"Pride Month” ang Hunyo para sa komunidad ng LGBTQIA+. Ginugunita nito ang pag-aalsa sa isang homosexual bar sa New York City (Stonewall Inn) kung saan tumindig ang queer community laban sa madalas na pagsalakay, pag-aresto, at kalupitan ng mga pulis. Ngayon, ipinagdiriwang na ang Pride Month sa lahat ng dako – mula sa mga korporasyon hanggang sa mga lungsod at lalawigan. Inaalala rin natin ang mga nauna nang nakipaglaban para lumikha ng mas patas o "inclusive" at ligtas na kinabukasan para sa ating lahat.

“Father’s Month” din ang Hunyo – isang pagdiriwang ng pagiging ama at ang papel ng mga ama sa lipunan. Mula noong Middle Ages, ang ika-19 ng Marso ay ipinagdiriwang bilang Araw ni Saint Joseph sa mga bansang Katoliko. Ang artist na si Sonora Smart Dodd ang nagsimula ng Father's Day sa Amerika. Ang kauna-unahang selebrasyon  nito ay noong ikatlong Linggo ng Hunyo 1910. Ngayon, ipinagdiriwang na ito sa iba’t ibang petsa sa buong mundo, at ang bawat lugar ay may mga natatanging selebrasyon.

Pride – o nangangahulugang maipagmamalaki – ay madalas naiuugnay sa pakiramdam ng mga magulang pagdating sa kanilang mga anak.  Sa aming episode na Pamilya Talk, malinaw na ipinagmamalaki ni Presidential candidate Ka Leody De Guzman ang kanyang anak na si Dexter na isang gay.  

Ibinahagi sa amin ni Ka Leody kung paanong hindi nagbago ang pagtanggap at pagmamahal niya sa kanyang anak sa kabila ng pagiging gay nito.

Ang mga ama, tulad ng mga ina, ay may mahalagang papel sa paghubog ng kanilang mga anak, lalo na pagdating sa tatag ng loob at emotional security. Ayon sa pananaliksik, kapag ang mga ama ay mapagmahal at sumusuporta sa kanilang mga anak, mas nagkakaroon din ng tiwala sa sarili ang mga bata. Hinuhubog ng mga ama, hindi lamang kung sino tayo sa loob, kundi pati na rin kung paano tayo nakikipag-ugnayan sa iba habang tayo ay tumatanda. Katunayan, sa ilang mga pagdiriwang ng Pride Month sa buong mundo, may mga nagbibigay ng "Libreng Yakap mula sa Tatay" para sa mga miyembro ng LGBTQIA+ na hindi nakatanggap ng pagmamahal, pangangalaga, at paggalang mula sa kanilang sariling pamilya. 

Dahil sa mga ama na tulad ni Ka Leody, umaasa tayong hindi lamang patuloy na magiging gay-friendly ang ating bansa, kundi magiging tagapagtanggol din tayo ng mga karapatan ng mga LGBTQIA+. Kung tutuusin, tulad ng nabanggit ni Dexter, malaking tulong nga ang pagkakaroon ng mga anak na LGBTQIA+, dahil madalas, sila ang nananatili upang alagaan ang kanilang mga magulang sa pagtanda. 

Sa muli nating paghahanda para sa susunod na anim na taon sa ilalim ng administrasyong Marcos, posibleng mas sumulong ang karapatan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Ang Senate Bill 412 ni Senator Imee R. Marcos na inihain noong 2019 ay naglalayong palawakin ang listahan ng mga ginagawang diskriminasyon laban sa LGBTQIA+ community habang nagtatakda rin ng mga hakbang upang maiwasan ito. 

Kuwento ng gay na anak ni Ka Leody na si Dexter (right), “Walang pormal na pag-amin sa pamilya ko na ‘I’m gay’ dahil mula maliit pa ako, alam na nila at tanggap na nilang gay ako.”

Sabi ni Marcos, ang pag-aresto sa isang transgender lady ng pulis pagkatapos niyang gumamit ng palikuran ng mga babae sa Araneta Center ay "isang lantarang diskriminasyon na sumasalungat sa Gender-Fair Ordinance ng Quezon City at nakakagalit sa akin.” Ang panukala ay naghahangad na protektahan ang mga transgender mula sa kahihiyan at pang-iinsulto sa pamamagitan ng paggawa ng mga gender-neutral restrooms na tulad ng mga itinalaga para sa mga taong may kapansanan. 

Dahil pinahintulutan kamakailan ng Kagawaran ng Edukasyon ang dalawang babaeng transgender na magmartsa sa College graduation rites sa kanilang napiling kasarian o identified gender, nangangahulugang malaki ang pag-asang balang-araw ay mabigyan ng ganap na karapatan ang mga LGBTQIA+.   Kaya dapat ay ituloy pa rin ang laban at, gaya nga ng sabi nila sa Pride March, Makibeki. 'Wag ma shokot. 

--

Watch Pamilya Talk on FacebookYouTube and Kumu (@JingCastaneda – 12:00 noon – 1:00 p.m. Monday & Wednesday). You can also follow my social media accounts:  InstagramFacebookYouTubeTiktokTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected]  

FATHERHOOD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with