Alagang Makatizen to the highest level!

Ang dami na namang blessings na dumating sa Makati nitong nakaraang linggo. Para sa akin, dapat ipagmalaki at i-celebrate ang small at big wins natin dahil bunga ito ng ating mga plano at programa.

Mayroon na naman tayong dalawang Makati centenarians na tumanggap ng P100,000 at plaque of recognition sa pagtungtong nila ng 100 taon. Sina Lola Cresencia­ D. Loyola ng Barangay Valenzuela at Lolo Victor Buencamino Jr. ng Barangay Magallanes ang pinakabagong nadagdag sa mahigit 90 Makatizen centenarians.

Sila ay pawang mga Blu Card holder. Ito ang very ge­nerous naming programa para sa ating mga senior citizen. Simula edad 60 hanggang 89 ay nakakatanggap sila ng cash gifts mula P3,000 hanggang P5,000 bawat taon. Samantalang ang mga cardholders edad 90-99, at 101 years old pataas ay nakakatanggap ng P10,000 cash gifts bawat taon sa ilalim ng City Ordinance No. 2019-A-023.

* * *

Summer break pa rin kaya naman gusto naming maging makabuluhan at enjoyable ang ilang linggong pahinga para sa mga bagets.

Ang Makatizen Skills Training, Arts Recreation, and Sports o STAR Program ng Youth and Sports Development Department ay may sari-saring sports and recreation activities para sa mga kabataang Makatizen mula 6 hanggang 15 taong gulang. Puwedeng mag-aral ng arnis, badminton, basketball, chess, drawing at painting, football, futsal, karate, at table tennis.

Maganda rin itong paraan para mahikayat ang mga estudyanteng maging physically active ulit habang papa­lapit na ang 100% face to face classes.

* * *

‘Di nagpakabog ang Department of Radiology residents ng OsMak at 100% ang kanilang passing rate sa Philippine College of Radiology Diplomate Exam part 1. Ganundin ang Ob-Gyn at Ophthalmology residents ng ating ipinagmamalaking city-run hospital.

Nauna ito ay nag top din ang doktor ng OsMak  Department of Physical and Rehabilitation Medicine sa Philippine Board of Rehabilitation Medicine In-Service Training Exam 2022.

Isa lang ang ibig sabihin ng sunud-sunod at walang patid na mga karangalangang ito: patuloy na tumataas ang level ng ating public service at healthcare system sa Makati. Patunay po ito na aming isinapuso at nilakipan ng gawa ang aming pangakong ibigay ang the best na serbisyo at alaga para sa inyo, #ProudMakatizens.

Show comments