^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Benepisyo ng healthcare workers, tutukan ni Vergeire

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Benepisyo ng healthcare workers, tutukan ni Vergeire

Isa sa nararapat na tutukan at pagsikapang maibigay nang regular ay ang allowances at mga benepisyo ng healthcare workers (HCWs). Sila ang mga tunay na bayani ng pandemya kaya hindi sila nararapat paghintayin kahit isang segundo man lang. Sa kasalukuyan, maraming HCWs ang umaangal na hindi pa ipinagkakaloob ang kanilang allowances at iba pang benepisyo. Nagtaasan na ang presyo ng mga bilihin at pamasahe pero ang kanilang allowance ay hindi pa ipinagkakaloob.

Ang problemang ito ang nararapat unahin ni DOH officer-in-charge Ma. Rosario Vergeire. Itinalaga si Vergeire ni President Marcos Jr. noong Miyerkules. Nangako si Vergeire na gagawin ang lahat nang makakaya para makapaglingkod sa mamamayan. Nagpasalamat siya kay Marcos sa pagkakataon.

Kung maipaprayoridad ni Vergeire ang kapa­kanan ng HCWs, mapipigilan ang exodus ng mga ito. Sa kasalukuyan, marami sa HCWs particular ang mga nurses ang nangingibang bansa sapagkat masyadong mababa ang suweldo nila sa mga pinaglilingkurang ospital. Ayon sa report, ang mga nurses sa pribadong hospital ay sumasahod lamang ng P10,000. Bukod sa mababang suweldo, hindi rin umano binabayaran ang kanilang overtime.

Ang sentimyento ng HCWs ukol sa hindi pa natatanggap na allowances ay pinatotohanan naman ni Dr. Jose de Grano, presidente ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPI). Ayon kay De Grano, maraming HCWs sa pribadong ospital ang hindi pa nakatatanggap ng kanilang COVID allowance.

Nakapagtataka naman kung bakit naaatrasado ang pagbibigay ng allowance gayung may batas na ukol sa pagbibigay ng allowance. Noong Abril 2022, nilagdaan ni dating President Rodrigo Duterte ang Republic Act 11712 (Public Health Emergency Be­nefits and Allowances for Health Care Workers Act). Sa ilalim ng batas, ang lahat ng Health care and non-health care workers ay makatatanggap  ng health emergency allowance sa bawat buwan ng kanilang serbisyo sa panahon ng pandemya tulad ng COVID-19 depende sa risk exposure categorization: P3,000 para sa mga nagtatrabaho sa low-risk areas; P6,000 sa minimum risk areas; at P9,000 sa high-risk areas.

Sa pagkakatalaga kay Vergerie, umaasa na magkakaroon ng pagbabago sa DOH at sa pamamahagi ng allowances at mga benepisyo sa HCWs.

HCW

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with