^

PSN Opinyon

Nutrition problem ng kabataan dapat tutukan ni BBM!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Inaasahang tataas ang bilang ng mga kabataang Pinoy na walang sapat na nutrition dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin. Kaya sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pres. Bongbong Marcos sa Hulyo 25, naghain ng wishlist ang Philippine Business for Education (PBEd), Philippine Business for Social Progress (PBSP), at Makati Business Club (MBC) na hinihikayat si President BBM na buhusan ng pondo at tulong ang mga programa na nagsusulong ng nutrition ng kabataan.

Bakit nutrition? Kasi nga, kapag walang tamang nutrisyon ang mga kabataan, hindi sila lalaki at higit sa lahat mahihirapan silang makamit ang kanilang full potential. Hindi lang kasi anyong panlabas ang apektado kundi maging ang abilidad nila, lalo na sa aspeto ng trabaho pagdating ng panahon. Mismooooo!

“Investing in the nutrition and education of our youth is an economic imperative. We need to build strong human capital to drive productivity and inclusive economic growth,” ayon kay PBEd pres. Dr. Chito B. Salazar. Dipugaaaaa! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon sa datos ng World Bank at UNICEF, isa ang Pinas sa may pinakamataas na  may “stunted” na kabataan dahil sa kakulangan ng nutrition. Ilang dekada pa man bago ang pandemya, isa sa tatlong kabataan na may edad 5 pababa, ay “stunted” o maliit para sa kanilang edad. Ang Pilipinas ay nasa “top 10” sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamataas na bilang ng “stunted”, anang report.

Ang “stunting” ay nagdudulot ng mahinang pag-unawa, pagsasalita at pagkilos kaya hindi magiging maganda ang performance ng mga kabataan sa paaralan. Sa kanilang pagtanda ito ay magdudulot ng “lost productivity” at mababang sahod. Subalit kung ang bata ay may tamang nutrition natural na magiging mahusay ang kanilang cognitive development, madaling matuto sa eskuwelahan at magandang kinabukasan. Dipugaaaaa! Hak hak hak! ‘Ika nga ay magiging matalino ang mga batang Pinoy! Mismooooo!

Kamakailan, naghain ang grupo ng mga negosyante, at civil society ng kanilang «wish list» para maisama ni President BBM sa kanyang priority legislative agenda sa kanyang SONA na magsusulong ng reporma sa nutrition at edukasyon. Hiniling nila na siguraduhing maging abot-kamay ng mga Pinoy ang ligtas, mura at masustansyang pagkain. Nais din nilang mabigyan ng economic opportunties ang mga mahihirap, lalung-lalo ang mga ina at kabataan. Ang magsasaka ay dapat matulungang magsaka at mabigyan ng kinakailangang suporta at teknolohiya upang magkaroon ng masaganang ani. Tumpak! Anong sey n’yo mga kosa?

Nagpahayag naman ng todong suporta sa gobyerno ang mga negosyante upang tugunan ang kahirapan at kawalan ng trabaho. «It is incumbent upon businesses to raise their investments because more jobs bring more income to people. Businesses must also make a serious effort in investing in agriculture. Our role is to enable our people to feed themselves and send their kids to school,” ayon kay PBSP Chairman Manuel V. Pangilinan. Abangan!

PBSP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with