^

PSN Opinyon

Bigo sa pangakong wakasan ang rebelyon

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Inalak ng nakaraang administrasyon na wakasan ang 54 taong rebelyong komunista. Pero nu’ng Marso 2022 inamin na bigo ito.

Daan-bilyong piso ang winaldas sa maling estratehiya at taktika. Binuhos ang dahas-militar sa mga baryong kumakanlong sa rebelde. Pero hindi pinaunlad ang kabu­hayan at serbisyo ng gobyerno sa kanila. Nanatili silang api at hikahos kaya tuloy din ang insurgency.

Umupa ng online trolls at influencers para i-propaganda ang kilos-militar. Ni-red tag ang lehitimong Oposisyon at kritiko. Hindi lang mga maka-Kaliwang mambabatas ang binansagang Komunista, kundi pati mga doktor sa baryo at pasimuno ng community pantries.

Hindi ba’t pakay ng counter-insurgency na himukin ang rebelde na isuko ang armas at lumahok sa pakikibakang parliamento? Baliktad ang nangyari. Ang mga lumahok ay tila tinulak sa labanang armado.

Sunud-sunod na generals ang nagsabing 4,000 na lang ang New People’s Army; sa pagretiro trinompeta nila na 2,000 na lang ang nalalabi. Bawat palit sa puwesto, 4,000 na naman ang bilang sa NPA sa simula, at 2,000 ulit ang labi sa pag-alis. Paulit-ulit lang ang press release.

Sayang! Nagamit sana ang pera sa pagbili ng bagong patrol craft ng Navy at Air Force. Mas kailangan ‘yon pan-depensa ng dagat at ere kontra manlulupig. Sa halip nina­kawan tayo ng China ng likas-yaman.

Napuksa ang NPA sa Negros nu’ng turuan sila magpalaki ng sasabunging manok at magpaitlog ng inahin. Tumiba sila sa negosyo. Nabatid nila na mas madaling kumita nang malinis at tahimik kaysa magbitbit ng armas kapalit ang rasyon ng sigarilyo at noodles.

Huwag sana itong gayahin ng bagong administrasyon. Lubog na sa P13-trilyong utang ang bansa. Huwag igugol ang pondo ng gobyerno sa pagpatay kundi sa kabu­hayan. Kaunlaran ang solusyon sa rebelyon.

* * *

Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).

DWIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with