FLASH Report: Nagkaubusan ng supply ng betadine sa mga pharmacy sa harap ng Camp Crame sa Quezon City. Maaring bahagyang tumataas ang bilang ng COVID cases sa hanay ng kapulisan subalit hindi naman gamot ang betadine sa naturang sakit. Ang betadine ay gamot sa sugat, di ba mga kosa?
Hindi naman mapigilan ang pag-angat ng pangalan ni Lt. Gen. Rodolfo “Junaz” Azurin, ng ACP-Northern Luzon sa pagka-hepe ng Philippine National Police (PNP) sa administrasyon ni President Bongbong Marcos. Subalit habang tumatagal ang pag-anunsiyo ng pagka-PNP chief ni Azurin, tuloy lang ang ibang kandidato sa paggapang kahit magkasugat-sugat sila sa siko at tuhod, di ba mga kosa? Araguuyyyyy! Kaya sa mga residente ng Bgy. West Crame at Bgy. Socorro, ‘wag na kayong magtaka kung wala kayong mabiling betadine. Dipugaaaaa!
••••••
Paiiralin ni Interior Secretary Benhur Abalos ang tinatawag na “servant leadership” para dalhin ang “people power” laban sa social ills ng sociedad. Iginigiit ni Sec. Abalos na dapat ang pagsilbihan ng kanyang opisina ay ang publiko at hindi ang kabaligtaran. Sa kanyang pagharap sa media, sinabi ni Abalos na i-sustain niya ang mga programa at initiatives ng DILG at i-improve ang ilang polisiya kung kinakailangan.
“We must make sure na institutionalized ang mga ginagawa nating magagandang practices, at innovations. We must likewise always remember this, hindi tayo ang pagsisilbihan, tayo ang magsisilbi sa kanilang lahat dahil bilang lingkod bayan, ang kapakanan ng publiko ang dapat nating prayoridad. That is the kind of attitude that we should have,” ani Abalos, na halos 10 araw pa lang sa kanyang puwesto. Mismooooo! Hak hak hak! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan? Dipugaaaaa!
Maging priority din kay Abalos ang pag-modernize ng kagamitan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ang jail management ng Bureau of Jail Management and Peno-logy (BJMP). Hindi lang ‘yan, hinikayat din ni Abalos ang mga opisyales sa ilalim ng DILG at iba pang sangay ng gobyerno ng participatory at inclusive governance para isulong lalo ang kanyang brand leadership tungo sa ikaunlad ng bansa sa liderato ni President BBM.
“Let’s get everyone involved, the LGUs, the community, and other stakeholders. Basta kayo [DILG workforce], walang imposible. So it’s people power against drugs and other social ills. Basta magawa ito naku walang impossible at yun ang plano natin gawin. Involve everyone here,” giit ni Abalos.
Ang aksiyon ni Abalos ay naaayon sa panawagan ni President BBM na ang DILG personnel, at attached agencies na mag-unite mula national, lokal at grassroots level para makamtan ang kanilang minimithing goal. “Yung pangarap ng lahat ay magiging pangarap natin. Para maabot natin ito kinakailangan nang maayos na communication mula sa national, local, at grassroots level para magiging iisa ang ating mga layunin,” ani Abalos. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Nasa tamang landas lang si Abalos, di ba mga kosa? Mismooooo! Abangan!