^

PSN Opinyon

Mga pagkain para labanan ang hika

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang pamamaga ang pinaka-pangunahing dahilan ng sintomas ng hika. Kaya naman ang mga pagkain na nilalabanan ang pamamaga ang natural na gamot sa namumuong sipon o plema. Ang pagkuha nang maraming nutrients mula sa pagkain ay nauugnay sa pagpapababa ng panganib sa hika.

1. Sibuyas—Ang regular na pagkain ng sibuyas ay makatutulong na makaranas ng madalang na pag-atake ng hika. Dahil ang sibuyas ay naglalaman ng anti-oxidant na quercetin, na nilalabanan ang pamamaga.

2. Mansanas — Ang pagkain ng sapat na mansanas ay makatutulong upang makaiwas sa atake ng hika. Katulad ng sibuyas, ang mansanas ay mayroon ding quercetin. Kainin ang balat ng mansanas dahil dito nanggagaling ang quercetin.

3. Strawberry — Ang strawberry ay mayaman din sa flavonoids na mainam din sa hika.

4. Kape — Ang isa o dalawang tasang matapang na kape, ay nakatutulong ng bahagya dahil ito ay may theophylline, isang gamot na nagpapaluwag sa daanan ng paghinga.

5. Green tea — Katulad ng mansanas at sibuyas, ang green tea ay nagtataglay din ng quercetin at iba pang flavonoids. Subukang uminom ng isa o dalawang tasa kada araw.

6. Matatabang isda — Ang mga isda na tulad ng tawilis, tamban, tuna, hasa-hasa, sardinas, dilis, salmon at mack­e­rel ay may omega-3 fatty acids para labanan ang pamamaga ng katawan, kabilang na ang daanan ng hangin.

7. Calamansi juice, red bell pepper, repolyo at kamatis – Ang mga pagkaing ito mayaman sa Vitamin C, Vitamin E at Selenium na mainam para labanan ang hika.

GREEN TEA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with