Kabuuang 56 na Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa iba’t-ibang bansa ang ginawaran ng Presidential Awards for Filipino Individuals and Organizations Overseas (PAFIOO) sa isang seremonya sa Manila Marriott Hotel noong Hunyo 29, 2022. Ang parangal ay iginawad sa kanila ng Office of the President of the Philippines sa pamamagitan ng Commission on Filipino Overseas.
Hindi malinaw kung mga overseas Filipino worker lahat sila o kung mga Pilipinong permanente nang residente sa kinaroroonan nilang bansa o magkakahalo pero, ayon sa CFO, ang mga awardee ay kinabibilangan ng mga philanthropists, scientists, engineers, medical and healthcare professionals, athletes, artists, at public servants. Meron ding mga organisasyon ng mga Pilipino at dayuhan sa ibang bansa na kasama sa pinarangalan. Kinilala sila sa kanilang selfless deeds, pro bono services, at exemplary acts of kindness and generosity. Hinigitan nila ang kanilang hindi makasariling debosyon sa tungkulin at kahandaang higitan pa nila ang kanilang ginagawa para sa ibang tao noong habang nananalanta ang pandemya ng coronavirus disease 2019 sa napakaraming bansa sa mundo. Iniangat nila ang mga buhay ng marami nilang kababayan sa lahat ng panig ng daigdig, nagdala ng karangalan sa ating mga mamamayan at bansa, nagdulot ng progreso at pag-unlad sa mga komunidad ng mga Pilipino sa ibayong-dagat at sa kanilang inangbayan.
ANG PAFIOO na binuo noong 1991 sa pamamagitan ng Executive Order No. 498 na ipinalabas ni yumaong Pangulong Corazon C. Aquino ay nahahati sa iba’t-ibang kategorya.
Sa kategoryang Lingkod Sa Kapwa Pilipino Presidential Award, pinarangalan dito sina: Batangas Association United Kingdom (United Kingdom), Roxanne Racquel A. Cajigas (United States of America), Kayumanggi Chorale, Inc. (USA), Vivian Kiefer-Vargas (Switzerland), Philippine Institute of Civil Engineers – Qatar Chapter (Qatar) at The Filipino Association in the Isle of Man (Isle of Man).
Tumanggap naman ng Banaag Presidential Award sina Mario A. Balboa (Saudi Arabia), Bella Aurora P. Belmonte (USA), Ariel C. Bernardo (South Korea), Roy G. Betinol (Chile), Vanda Marie M. Brady (Ireland), Alex Chiu (+) Posthumous Award (Canada), Aurora B. Dacanay (Canada), Nancy S. de Jesus (France), Rose Cheryl P. Eclarinal-Murdock (UK), Felix Y. Manalo Foundation, Inc. (Canada), Filipino American Service Group, Inc. (USA), Fernandico Q. Gonong, Jr. (USA), Igorot UK Charity (United Kingdom), Kapatiran at Ugnayan ng Natatanging Sining at Talento (Germany), Venecio V. Legaspi (Saudi Arabia), London Filipino Centre CIC (UK), Bennette E. Misalucha (USA), National Alliance to Nurture the Aged and the Youth (USA), Rolando M. Nicolas (Saudi Arabia), Linda Nietes-Little (USA), Philippine Bayanihan Association of Alberta (Canada), Philippine-American Friendship Community, Inc. (USA), Dennis N. Rata (Kuwait), Jannelle So-Perkins (USA), Cristy M. Vicentina (Singapore), at Elija Paul G. Villanueva (UK).
Sa Pamana ng Pilipino Presidential Award, kasama sa nakatanggap nito sina Russ Patrick P. Alcedo (Canada), Glenda Lynna Anne T. Bonifacio (Canada), Josefino C. Comiso (USA), Sheila Maria A. Conejos (Singapore), Danilo M. Favor (UK), Glenn F. Fernandez (China), Laura D. Garcia (USA), Pamela D. Gotangco (Switzerland), Aurtenciano R. Miranda, Jr. (Italy), Ronaldo B. Nilo (Qatar), Caroline B. Ong (China), Glenn D. Pascual (USA), Lord Leomer B. Pomperada (USA), Karen Graciles L. Remo (United Arab Emirates), Albert Remus R. Rosana (Canada), Leorey N. Saligan (USA), at Walter S. Villagonzalo (Australia).
Ang Kaanib ng Bayan Presidential Awardees ay sina Issa Mohammad Ahmad (Jordan), Yasonna H. Laoly (Indonesia), Montero Medical Missions (USA), Philippine Bayanihan Society – Singapore (Singapore), at Temasek Foundation, Ltd. (Singapore).
Pinagkalooban naman ng Special Presidential Citation ang Coalition of Filipino American Chambers of Commerce (USA).
Sinabi ng CFO na, mula nang maitatag ang PAFIOO, nakapaggawad na ito ng parangal sa 541 indibidwal at entitidad na nakabase sa ibang bansa. Naiiba anila ang taong ito dahil karamihan ng mga awardee ay matagumpay na nakapasa sa mabusising four-level multi-sectoral screening process. Nagsimula ang selection process sa Awards Committee ng Philippine Embassies/ Consulates, Awards Technical Committee, at Awards Executive Committee na pinamumunuan ng CFO at, huli, sa Office of the President. Kabilang sa screening committees ang Department of Foreign Affairs, Department of Labor and Employment, Department of Science and Technology, National Commission for Culture and the Arts, Department of Health, De La Salle University, Center for Migrant Advocacy, Dynamic Outsource Solutions 1, GMA Network, Inc., at Episcopal Commission for Pastoral Care for Migrants and Itinerant People.
Sinabi pa ng CFO na ang PAFIOO ay nagsisilbing patuloy na simbolo ng pagkilala ng pamahalaan sa hindi-makasarili at ibayong ambag ng mga Pilipino at pribadong organisasyon sa ibayong-dagat bilang maaasahang partner sa national development efforts, exponents of Filipino talent and skills, and promoters of the interests of the Filipino diaspora. Ang PAFIOO ay pinamamahalaan ng Policy, Planning, and Research Division ng CFO.
Email: rmb2012x@gmail.com