^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May wangwang na naman

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May wangwang na naman

UNANG nawala ang wangwang sa panahon ni President Noynoy Aquino noong 2010 hanggang 2016. Ipinagpatuloy ito ni President Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang 2022. Tanging ang presidente, bise presidente, Senate president, House speaker at supreme court chief justice ang pinapayagang gumamit ng wangwang. Pati blinkers at sirens ay ipinagbawal din at tanging ang Philipine National Police, Armed Forces of the Philippines, Land Transportation Office, Bureau of Fire Protection at National Bureau of Investigation ang awtorisadong gumamit nito. Aarestuhin ang mga may-ari ng tindahan na magkakabit ng blinkers at sirens.

Subalit ngayon ay kapansin-pansin ang pagba­balik ng wangwang. Naglitawan din ang mga sasak­yang may blinkers at sirens na hinahawi ang mga motorista sa matatrapik na kalsada. Sa gabi, masakit sa mata ang blinkers ng mga sasakyang nagmamadali at gustong lampasan ang mga nasa unahang sasakyan. Parang sila ang nagmamay-ari ng kalsada.

Pinuna nina Senators Joseph Victor Ejercito at Sherwin  Gatchalian ang pagbabalik ng wangwang sa kalye. Nagtataka ang dalawang senador sapagkat­ muling naglutangan ang mga sasakyang may wang­wang at blinkers pagkaraan nang maraming taon na wala ang mga ito sa kalye. Kapansin-pansin anila ang mga nagwa-wangwang na hinahawi ang mga sasakyan habang nasa trapik.

Kumilos naman ang Highway Patrol Group (HPG) at agad pinaghuhuli ang mga sasakyang may wang­wang, blinkers at sirens. Pitong motorista ang nahuli noong Huwebes sa EDSA. Ayon sa HPG, aarestuhin din nila ang mga nagkakabit ng wangwang at blinkers na karamihan ay nasa Banawe St. Quezon City.

Mabuti at sa mismong mga senador nanggaling ang pagrereklamo sa paggamit ng wangwang. May mga report na mismong mga opisyal ng gobyerno ang gumagamit ng wangwang para lamang maka­lusot sa trapik. Wala silang karapatan sapagkat galing sa buwis ng mamamayan ang pinangsusuweldo sa kanila. Magdusa rin sila sa trapik gaya ng karaniwang mamamayan.

WANG WANG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with