^

PSN Opinyon

EDITORYAL - May kalidad na edukasyon, isulong

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - May kalidad na edukasyon, isulong

Mahina sa Science at Math ang mga Pilipinong­ estudyante. Sa simpleng math, hindi na ma­ka­unawa ang karamihan. Sa larangan ng science, nangungulelat. Kaya kapag lumaban sa kumpetisyon sa mga nasabing larangan sa ibang bansa, hindi makausad ang mga estudyanteng Pinoy.

Noong Disyembre 2020, pinakamababa ang nakuha ng mga estudyanteng Pinoy sa idinaos na international assessment for mathematics and science para sa Grade 4 na tinawag na Trends in International Mathematics and Science Study 2019 (TIMSS).

Sa 58 bansa na naki-participate, pinakamababa ang score ng Pilipinas. Nakakuha lamang ng 297 sa mathematics at 249 sa science. Nanguna naman ang Singapore na may score na 625 sa Math at 595 sa science.

Ganito rin ang lumalabas na assessment ng World Bank sa mga estudyanteng Pinoy—mahina sa math at science. Ayon sa WB, isa sa apat na Grade 5 students ay salat sa mathematics skill at apat sa limang 15-taong gulang na estudyante ay hindi ma­kaintindi ng basic mathematical concepts gaya ng fraction at decimals. Ayon sa WB, maaaring ang problemang ito ay dahil sa nararanasang gutom ng estudyante, kakulangan ng pasilidad, bullying at iba pang safety issues.

Ilan lamang ang mga ito sa problema ng edukasyon sa bansa na nararapat na tuunan ng pansin ni Vice President at DepEd secretary Sara Duterte. Pormal nang naupo noong Lunes si Sara bilang DepEd secretary kapalit ni dating secretary Leonor Briones. Nangako si Sara nang pagbabago sa sistema­ ng edukasyon upang magkaroon ng kalidad.

Nararapat alamin ni Sara ang mga dahilan kung bakit nangungulelat ang mga estudyante. Bukod sa kahinaan ng mga estudyante, tutukan ang problema sa kakulangan ng mga mahuhusay na guro. Kung mahusay ang mga guro, huhusay din ang mga estudyante. Bigyang pansin ang problema ng mga guro ukol sa suweldo na laging napag-iiwanan. Kailangan ding masuri ang mga ginagamit na textbooks ng mga estudyante na tadtad ng mga maling impormasyon. Ilang taon na ang nakararaan, naging kontrobersiyal ang mga maling grammar sa ginagamit na textbook ng mga nasa high school students. Noong 2020, nabulgar ang mga bastos na salita sa librong ginagamit ng senior high school.

Hangad ni Sara ang may kalidad na edukasyon para sa mga bata. Isa-isahin munang lutasin ang mga problemang nagiging hadlang sa pagkakamit ng de-kalidad na edukasyon.

MATH

SCIENCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with