^

PSN Opinyon

Nagiging kampante na lahat

K KA LNG? - Korina Sanchez - Pilipino Star Ngayon

Nagtala ng 848 na kaso ng COVID-19 noong Linggo, ayon sa Department of Health (DOH). Pinakamataas na bilang mula noong Marso. Pati mga doktor ay nagkaka­sakit na rin. Marami na ang tumatanggap ng face-to-face consultation kasi.

Ayon naman sa OCTA Research, tumaas ang posi­tivity rate sa Metro Manila mula 3.9% naging 5.9% na. Ibig sabihin, dumarami na ang nagpopositibo para sa COVID. Hindi lang sa NCR tumataas ang positivity rate kundi sa maraming lugar sa bansa.

Pinakamataas ay sa Rizal province na tumaas ng 11.9% mula 6.3% Lahat ito ay sa loob ng isang linggo lamang, kaya nagbabala ang mga awtoridad na baka mas dumami pa ang mga kaso sa darating na buwan. May usapan na ngang ibalik na muna ang NCR sa Alert Level 2.

Hindi masisisi ang katatapos na election kaya tumaas ang kaso. Sa tingin ko kaya tumataas ang bilang ay nagi­ging kampante na masyado ang tao. Hindi nagdadalawang-isip pumasok sa mga establisimento kahit marami nang tao partikular sa mga kainan kung saan magtatanggal ng face mask para kumain. Baka may mga hindi nagsusuot ng face mask ng tamang paraan. Baka nawala na ang mga hand sanitizers. Naiintindihan ko naman na sabik na ang tao lumabas at pumunta kung saan-saan. Pero ito nga ang kabayaran.

Ayon sa DOH, baka umabot sa higit 4,000 kaso sa NCR kada araw sa kalagitnaan ng Hulyo dahil sa pagiging­ kampante na ng tao. Hindi ito magiging maganda para sa lahat ng negosyo, na halos kasisimula pa lang maka­bawi matapos ang higit dalawang taong paghihigpit.

Napakahirap na nga ng buhay dahil sa walang basehang pagsalakay ni Vladimir Putin sa Ukraine. Nakakalula na ang presyo ng gasolina at diesel. Kahit mga mayayaman ay napapailing kapag nagpapagasolina. At wala pang indikasyong matatapos ang digmaan.

Hindi mapipigilan ang paikut-ikot na paghigpit at pagluwag kung hindi rin tayo kikilos nang tama. Panatilihing isuot ang face mask kapag nasa mga publikong lugar. Hangga’t maari, umiwas pa rin sa maraming tao kasi hindi na nasusunod ang physical distancing. Magdala pa rin ng mga hand sanitizer. Sa atin din dapat manggaling ang solusyon, hindi ang problema.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with