^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Itaas ang sahod ng mga guro

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Itaas ang sahod ng mga guro

Balik na ang face-to-face classes sa pagsisimula ng school year 2022-2023 sa Agosto. Sa kasalukuyan, mayroon nang mangilan-ngilang school na nagdaraos ng F2F. Mayroon na ring nagdaos ng graduation. Eksakto naman ang pagbubukas ng klase sa Agosto na bago na ang DepEd secretary sa katauhan ni Vice President Sara Duterte. Siya ang unang miyembro ng Gabinete na hinirang ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. Noong nakaraang linggo, sinabi ni Sara na lubusan niyang ipatutupad ang face-to-face sa pagbubukas ng school year. Mahigit dalawang taon na natigil ang F2F dahil sa pandemya at naging online ang sistema ng edukasyon.

Sa pag-upo ni Sara sa DepEd, marami siyang dapat isaayos at unang-una na ang kalagayan ng mga guro. Maraming guro ang dumadaing dahil sa liit ng kanilang sahod. Matagal nang napag-iiwanan ang kanilang sahod. Ang sahod ng mga sundalo at pulis ay naitaas na subalit ang sahod ng mga guro ay hindi pa. Marami sa mga guro ang kailangang pang mag-sideline para madagdagan ang kinikita.

Problema rin ang kalidad ng edukasyon sa kasalukuyan. Sa isang pag-aaral, nabatid na may mga batang edad 8 ang hindi pa marunong bumasa at sumulat. Ang ganitong problema ay dapat ma­hanapan ng solusyon ng bagong DepEd secretary. Napag-iiwanan ang mga estudyanteng Pinoy sa larangan ng Math at Science. Hanapin ang ugat ng problemang ito. Posibleng kulang din sa mga mahuhusay na guro kaya nangyayari ito.

Sinabi minsan ni Sara na nais niyang ibalik ang mandatory ROTC sa Grade 11 at 12. Hihilingin umano niya sa susunod na Kongreso na ipasa ang batas para sa mandatory ROTC.

Hindi dapat magmadali si Sara sa usapin sa pagbabalik ng ROTC. Mas mahalaga na matutukan ang kalagayan ng mga guro at ang kalidad ng edukasyon. Saka na lang muna ang isyu sa ROTC dahil hindi naman ito gaanong mahalaga.

FACE TO FACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with