^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Kapag mayaman ang nakasagasa

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Kapag mayaman ang nakasagasa

Sumuko na ang driver ng sport utility vehicle (SUV) na sumagasa at tumakbo sa security guard sa Mandaluyong City noong Hunyo 5. Nag-viral sa social media ang kuha nang pananagasa sa sekyu ng mall na si Christian Floralde. Kuhang-kuha ang pagbundol kay Floralde at ang unti-unti nitong pagbagsak at pagtihaya sa kalsada. Pero sa halip na tumigil ang SUV na minamaneho ni Jose Antonio Sanvicente, umarangkada ito at ginulungan si Floralde na tinamaan sa tadyang at dibdib– nagmistulang pusa na nasagasaan at kumisay-kisay. Mabilis na dinaluhan si Floralde at dinala sa ospital. Tumakas naman si Sanvicente at nagtago na mula noon.

Kinasuhan ng Mandaluyong police si Sanvicente ng bigong pagpatay at pag-abandona sa biktima sa ilalim ng Article 275 ng Revised Penal Code. Kinan­sela naman ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ni Sanvicente nang hindi ito lumutang para magpaliwanag. Dahil sa hindi pagsuko, agad nagpalabas ang Department of Justice ng lookout bulletin sa Bureau of Immigration kapag ang suspect ay nagtangkang lumabas sa bansa.

Noong Hunyo 15, nagbanta si PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. na aarestuhin si Sanvicente paglabas ng warrant. Sinabi rin ni Danao na maaring addict ang suspect. Kinahapunan, sumuko ang suspect kay Danao sa Camp Crame pagkaraan ng 11 araw. Isang press conference ang naganap.

Humingi ng sorry si Sanvicente sa sekyu na sina­gasaan niya. Nataranta umano siya at hindi malaman ang gagawin. Ayon naman sa abogado ng suspect, hindi raw gusto ng kliyente niya ang nangyari. Nagkataon lang daw na natakot ito at nagpanic. Sabi ng ina ng suspect, sino raw ba ang may gusto na takbuhan ang biktima.

Nang matapos ang presscon, malayang naka­uwi ang suspect. Ayon sa PNP, hihintayin pa raw lumabas ang warrant saka pa lamang tuluyang gugulong ang kaso.

Ganyan ang mayaman kapag nakasagasa. Kung karaniwang jeepney o truck driver ang nakasagasa baka binaril na ng mga pulis kung hindi susuko. Wala nang tanung-tanong pa. Wala ring presscon kung mahirap ang nakasagasa.

Anong batas meron sa bansang ito?

SUV

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with