^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Bantayan, mga katiwalian sa tanggapan ng pamahalaan

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Bantayan, mga katiwalian sa tanggapan ng pamahalaan

Bago tuluyang bumaba sa puwesto si President Duterte, tinupad niya ang sinabi na sisibakin sa puwesto ang mga corrupt sa Bureau of Immigration (BI) na sangkot sa ‘‘pastillas scam’’. Apatnapu’t limang BI employees ang sinibak. Tinawag na “pastillas” ang modus dahil ang perang ipinangsusuhol ay nakabilot na hawig sa “pastillas. Sa imbestigasyon ng Senado, P40 bilyon ang naibubulsa ng mga korap sa BI dahil sa visa-upon-arrival (VUA) policy. Sa ‘‘pastillas scam’’, lahat nang Chinese nationals na hindi nag-avail ng VUA system ay magbabayad ng P10,000 sa Immigration para makapasok nang walang aberya sa bansa. Malaking tagumpay na nalagasan ng 45 corrupt ang BI.

Isang tagumpay din naman sana kung napanagot ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Inc. at mga opisyal ng Procurement Service-Department of Budget and Management (PS-DBM). Nakuha ng Pharmally ang kontratang P42-bilyon sa PS-DBM sa kabila na ang capital nila ay P625,000 lamang.

Sa Bureau of Customs (BOC) ay marami ring corrupt officials na dapat ay nakapagsampol din si President Duterte gaya sa BI. Talamak ang smuggling at nalulugi ang pamahalaan sapagkat walang nakukulektang buwis. Bumabaha ang mga smuggled vegetable products dahil sa kutsabahan ng mga corrupt sa BOC at Department of Agriculture.

Talamak ang korapsiyon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Nakikita ang katiwalian sa sira-sirang kalsada gayung kagagawa lang. Tinipid ang semento. Marami ring sinisirang kalsada kahit hindi pa sira.

Patuloy din ang korapsiyon sa Bureau of Internal Revenue (BIR) kaya nakakahulagpos ang tax evaders. Hindi naman mangangahas ang mga mandaraya sa buwis kung wala silang kakutsaba sa BIR. Ang resulta, kulang ang koleksiyon sapagkat sa bulsa ng mga korap tumutuloy.

Marami ring katiwalian sa Department of Education (DepEd) at alam ito Sec. Leonor Briones. Inamin ni Briones na may mga katiwaliang nangyayari sa kan­yang tanggapan at ito ang dahilan kung bakit na­­pagkakaitan ng edukasyon ang maraming kabataan­. Ipinanukala niya noong nakaraang Marso ang pagta­tatag ng anticorruption committees (ACC) sa kani­lang central, regional at schools division offices.

Nararapat bantayan ang mga korap sa tanggapan ng pamahalaan. Sila ang dahilan kung bakit nakabaon sa utang ang bansa at patuloy na nagdarahop ang mamamayan.

BUREAU OF IMMIGRATION

PASTILLAS SCAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with