Countdown

Sa loob ng 30 araw, masasaksihan natin ang isa sa pinaka­mahalagang bahagi ng demokrasya. Ito ay ang mapa­ya­pang paglipat ng karapatan mula sa mga opisyal na may hawak ng ganap na kapangyarihan patungo sa napili nating­ kahalili nila.

Ano ang implikasyon ng transition na ito? Una, patunay­ na ang tiwalang pinapahiram ay may hangganan­ at hindi panghabambuhay. Importante itong palatandaan na ang lahat ay may pagkakataon ding manungkulan kung nina­nais. Kung kaya ang sinumang may hawak nito ay kwi­daw. Huwag isipin na kapareho ito ng mga may security of tenure sa ser­bisyo sibil. Sa mga elektibong opisyal, walang service hang­gang retirement. Darating ang araw na isasauli rin ang kapangyarihan.

Subalit habang may bisa pa rin ang kanilang pinanghahawakan, ang mga magsisipagtapos ay hindi dapat tumigil sa paglingkod at paggawa ng kabutihan. Pag dating ng 12:00 midnight ng Hunyo 30, maglalaho ang kanilang anyo bilang “prinsesa” at babalik sa pagiging “kalabasa”. Habang hindi pa ito nangyayari, may 30 days pa silang naiiwan upang maging kapakipakinabang. At sa 30 days na ito, ang bawat araw ay katumbas ng 300x ang timbang ng iyong magagawa hambing sa kung ano man ang kakayanin mo bilang karaniwang tao.

Pangalawa, kahit pa gaano kapusok ang nangyaring­ kampanya, sa huli ay tatanggapin din ng lahat ang resulta. Naunawaan natin na ang kagustuhan ng nakararami ang mananaig. Lalo na sa tagumpay na ganito kagrabe ang agwat. Talagang nagpasya ang taong bayan na handa silang bigyan ng bagong pagkakataon si President-elect Ferdi­nand Marcos, Jr. na ibangon ang bansa tulad ng pag­ba­ngon niya sa kanilang pangalan. Kung kaya, sa kabila ng pangilan-ngilang hindi maka-move on, ang malaking ma­yorya ng Pilipino ay handang-handa na sa pagpasok ng bagong administrasyon.

Ilan lamang ito sa mga katotohanang nagpapatotoo na epektibo ang demokrasya at nagpapatunay na ang gani­­tong nakagisnang pamamalakad ay napangangatawanan pa rin nating mga Pilipino.

Show comments