^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Beinte pesos per kilo ng bigas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Beinte pesos per kilo ng bigas

Marami nang nag-aabang sa P20 bawat kilo ng bigas na ipinangako ni president-elect Ferdinand Marcos Jr. noong campaign period. Marahil ang pangako niyang ito ang isa sa mga dahilan kaya marami ang bumoto sa kanya. Bigas ang pangunahing kailangan ng mga Pilipino. Sabi ng iba, kahit walang ulam basta may mainit na kanin sa hapag, makakaraos na. Kahit daw asin lang ang ibudbod sa kanin, puwede na. Kaya napakahalaga ng bigas sa buhay ng mga Pilipino, lalo pa ang mga mahihirap. Hindi kumpleto ang buhay ng mga mahihirap kung walang bigas. Kaya maraming nangarap na sana isang araw, bumagsak ang presyo ng bigas. At nang ipangako nga ni Bongbong na magiging beinte pesos ang kilo ng bigas, maraming natuwa lalo na ang mga kapos sa budget.

Sabi ni Marcos sa isang interbyu noong Huwebes na nakikipag-usap na siya sa rice traders na pana­tilihin muna sa kasalukuyang presyo ang bigas sa loob ng ilang buwan hanggang sa maisaayos. Ito raw muna ang unang hakbang para mapababa ang presyo.

Sinabi rin ni Marcos na malaking hamon daw sa pagsasakatuparan ng kanyang pangako ang tuma­tandang populasyon ng mga magsasaka habang wala namang interes sa pagsasaka ang mga kaba­taan. Kailangan daw ay makapagsagawa ng mga bagong teknolohiya sa pagsasaka. Tiniyak naman niya na puproteksiyunan ang mga local na magsasaka sa kabila ng mga pumapasok na murang agri products sa bansa.

Isa sa mga tiyak na paraan na nararapat gawin ni Marcos para mapababa ang presyo ng bigas ay ang suporta sa mga lokal na magsasaka. Kung tutu­lungan ng pamahalaan ang mga magsasaka na makakuha ng murang fertilizer, power tiller, insecticides, maganda at murang binhi, sapat na patubig at iba pang pangangailangan, tiyak na darami ang ani ng magsasaka. Bilhin ng pamahalaan ang ani ng mga magsasaka at presto, maibababa ang presyo ng bigas at maaari pang makapag-export.

Magpagawa rin ng mga kalsada sa kanayunan para madaling mailuwas ng mga magsasaka ang kanilang ani. Kung magiging maalwan ang pagsasaka, walang dahilan para hindi mag-ani ng sagana. Baka P10 per kilo ay maaring ibenta ang bigas kung ganito ang gagawin.

vuukle comment

BBM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with