^

PSN Opinyon

Bacteria sa lalamunan: Strep throat

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Mas seryoso ang bacterial infection kumpara sa viral infection. Ang karaniwang dahilan ng bacteria sa lalamunan ay strep throat.

Streptococcal bacteria ang dahilan ng strep throat at sobrang nakahahawa ito. Kumakalat ito sa hangin sa pag-ubo o pagbahin o kaya sa pagsalo sa pagkain at inumin.

Maaari rin itong makuha sa pintuan, cell phone, mesa at gamit sa bahay, at mailipat ito sa iyong ilong at bibig.

Kadalasang nabubuo ang strep throat sa loob ng dalawa hanggang pitong araw pagkatapos mahawa ang isang tao. Ang mga batang edad 5 hanggang 15 ay madalas mahawa sa kaklase.

Narito ang mga karaniwang sintomas ng strep throat:

1. Pamamaga ng tonsils at kulani (lymph nodes).

2. Masakit kapag lumulunok.

3. Mapula at may nana sa lalamunan.

4. Mataas na lagnat.

Ang strep throat kung hindi magagamot ay maaaring humantong sa kumplikasyon gaya ng pamamaga ng kidney at rheumatic fever. Kinakailangan itong magamot ng tamang dosis ng antibiotics. Kumunsulta sa inyong doktor kapag nakaramdam ng mga sintomas ng strep throat. Huwag itong balewalain.

BACTERIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with