^

PSN Opinyon

Tips para pumula ang mga labi

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang maitim na labi ay dahil sa ultraviolet rays ng araw, paninigarilyo, pag-inom ng mga may kulay na inumin tulad ng kape, tsaa, o kaya naman ay nasa lahi.

Narito ang tips para pumuti, maging pink o maging mapula ang mga labi:

1. Asukal at butter scrub—Ang asukal ay exfoliant, para tanggalin ang dead cells sa ibabaw ng labi. Ang butter naman ay para mag-oil sa lips. Gumawa ng asukal at butter paste: Paghaluin ang isa at kalahating­ kut­sarita ng asukal at isang kutsarita ng butter. I-scrub sa labi tapos ay banlawan at lagyan ng lip balm. Kapag walang butter puwedeng ipalit ang langis ng niyog. Gawin ng dalawa o tatlong beses kada linggo.

2. Kalamansi o lemon—Ang mga ito ay mayroong natural na bleaching o pampaputi ng labi at dark spots. Pigain at i-masahe ang juice sa labi bago matulog. Lagyan ng tubig para hindi masyadong matapang.

3. Honey—Puwede ring lagyan ng honey ang labi tuwing gabi. Patuyuin at hayaan lang ito magdamag.

4. Langis ng niyog scrub—Natatanggal nito ang maiitim na patse sa mga labi, nakapagpapalambot at nagbibigay ng pink o pulang kulay sa mga labi.

LABI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with