^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Saan aabot ang P33?

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Saan aabot ang P33?

Inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) ang P33 na dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila. Sa Wage Order No. NCR-23, ang magiging minimum wage para sa manggagawa para sa non-agriculture sector ay P570 at P533 para sa agriculture sector. Ang bagong wage order ay magkakabisa 15 araw makaraang mailathala sa mga pahayagan na may malawak na sirkulasyon. Ang huling wage order na inisyu para sa mga manggagawa sa pribadong establisimento sa NCR ay noong Nobyembre 22, 2018.

Ang dagdag na P33 ay sinalubong ng batikos ng mga manggagawa. Ayon sa mga manggagawa, saan aabot ang dagdag na P33. Wala na umanong mabibili ang ganito kaliit na halaga sapagkat ang inflation rate noong nakaraang Abril sa NCR ay umakyat na sa 4.4 percent at sa labas ng Metro Manila ay 5.1 percent.

Sinabi ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na kakarampot ang umentong P33 at nananatiling mababa o nasa ilalim ng poverty threshold. Hindi ito makakasapat sa mataas na presyo ng mga bilihin sa buong bansa.

Isang araw makaraang aprubahan ang wage order na nagdaragdag ng P33 sa minimum wage, inaprubahan naman ng Department of Trade and Industry (DTI) ang dagdag-presyo sa mga ­pangunahing bilihin na kinabibilangan ng sardinas, instant noodles, gatas, sabong panlaba, delatang karne, corned beef, kape, battery at maski asin ay inaprubahan din ang pagtataas. Kaya ang dagdag na P33 sa minimum wage ay walang epekto. Kulang na kulang ito.

Inaabangan ngayon ang hinihiling ng transport groups na dagdag-pasahe sa pampublikong sasakyan. Wala na umanong kinikita ang mga drayber ng PUVs dahil sa walang tigil na oil price hike. Magro-roll back ng konti ang oil companies at sa sunod ay babawiin muli sa pagtataas ng presyo.

Kapit sa patalim ang mga mahihirap na apektado nang patuloy na pagtataas ng bilihin samantalang naiiwan naman ang kanilang suweldo. Wala nang nabibili ang karampot na umento. Sana mabigyang solusyon ito ng susunod na bagong pamahalaan.

WAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with