^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Taas-presyo na naman mga pangunahing bilihin

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Taas-presyo na naman mga pangunahing bilihin

Noong nakaraang Pebrero 2022 lamang nagtaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin na kinabibilangan ng tinapay, instant noodles, sardinas, karne, corned beef, meat loaf, gatas, naka-botelyang inuming tubig, sabong pampaligo, sabong panlaba, battery, kandila at marami pang iba at ngayon ay magtataas na naman, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

Inaprubahan na ng DTI ang suggested retail prices (SRPs) ng 82 produkto na kinabibilangan ng sardinas, gatas at instant noodles dahil umano sa malaking gastos sa produksiyon ng mga ito. Inaprubahan ng DTI ang SRPs noong Mayo 11. Kabilang pa sa mga produkto na magtataas ang presyo ay ang asin, sabong panlaba, delatang karne, corned beef, kape at battery.

Ang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin ay kasabay din sa pagtataas ng mga produktong petrolyo. Halos linggu-linggo ang oil price hike na pasaning mabigat sa mga motorista. Higit na kawawa ang mga drayber ng public utility vehicles (PUVs) particular ang jeepney at bus dahil wala na silang maiuwi sa pamilya. Napunta na lahat sa diesel.

At ngayong magtataas na naman a ng mga presyo ng pangunahing bilihin, saan na hahantong ang buhay ng mga mahihirap na isang kahig, isang tuka. Kahit ang mga nagdidildil ng asin ay apektado rin sapagkat maski ito ay magtataas din. Ang iodized rock salt na 500-g ay magiging P15.70 na mula sa dating P11.25.

Dahil sa pagtaas ng bilihin, hindi na magkasya ang P537 na arawang kita ng mga manggagawa sa Metro Manila. Kulang na kulang at wala nang ihihigpit pa ng sinturon. Bukod sa mataas na bilihin, nagbabayad pa ng upa sa bahay, bayad sa kuryente at tubig. Humihiling ang mga manggagawa na itaas sa P650 ang minimum wage para makahabol sa mataas na presyo ng bilihin. Kawawa naman ang kakarampot ang suweldo na pinagkakasya lamang para makaraos sa maghapon.

Magpapalit na ang administrasyon sa susunod na buwan at sana makagawa ng paraan ang bagong pamahalaan para mapababa ang presyo ng mga bilihin. Una nang sinabi ni incoming president Bongbong Marcos na pabababain ang presyo ng bigas sa halagang P20 bawat kilo. Sana mangyari ito para naman maibsan ang hirap ng mga isang kahig-isang tuka.

DTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with