^

PSN Opinyon

Battle of the stars: Mas dinidibdib na nga ba ng celebrities ang political endorsements?

KasamBuhay - Jing Castañeda - Philstar.com
Battle of the stars: Mas dinidibdib na nga ba ng celebrities ang political endorsements?
Combination photo shows Toni Gonzaga during UniTeam's proclamation rally at the Philippine Arena in Bulacan and Angel Locsin during Vice President Leni Robredo's campaign rally in Pasig City.
Twitter

Todo-ikot sa mga probinsiya ang mga kandidato at ang kanilang mga tagasuporta upang ibahagi ang kanilang mga plataporma at para makakuha ng karagdagan pang mga boto. Halos nakaugalian na para sa mga aktor at personalidad na sumali sa political sorties para mag-entertain o magtalumpati.  Mas sikat ang personalidad, mas marami ang dumarayo para siya’y panoorin. Ngunit mababago kaya nila ang pulso ng tao pagdating sa pagpili ng tamang kandidato? Mahihikayat kaya ng kanilang kasikatan ang mga taong piliin ang kandidatong kanilang sinusuportahan? 

Political branding

Itinuturing ng mga strategist ang mga kandidato bilang mga “produkto." Sabi ng political strategist na si Alan German sa kanyang panayam kay ABS-CBN anchor Christian Esguerra, malaki ang naitutulong ng pagkakaroon ng endorsement ng isang sikat na personalidad dahil nailalapit niya sa kanyang mga tagahanga ang sinusuportahang kandidato. At tulad ng sa pagbebenta ng isang produkto, kapag ang isang celebrity ay nag-endorso ng isang bagay, tulad ng shampoo o isang make-up brand, sinasalamin na rin ng personalidad ang mga katangian at imahe ng mga kandidato.

Dagdag pa ni German, nakakahatak pa rin ng mga manonood kahit na mga personalidad na hindi na gaanong sikat. 

“Kapag uma-attend sila ng event, pinupuntahan pa rin sila ng mga tao especially in the provinces,” sabi ni German. 

Ang political marketing ay isang kumplikadong proseso at matagal pagplanuhan. Sa isa namang panayam sa online news website na Rappler, tinalakay ng political consultant na si Art Garcia ang proseso ng pagkuha ng mga personalidad bilang political endorsers -- mula sa pag-alam sa mga sektor na gusto nilang suyuin, pagkuha ng tamang "mukha para sa kampanya," hanggang sa maisara nila ang deal. 

“The more exclusive, the bigger the payment,” paliwanag ni Garcia pagdating sa talent fee ng mga personalidad.

Ilan sa mga nauna nang nagpahayag ng suporta sa iba’t ibang mga kandidato ang showbiz royalties na sina Maricel Soriano, Vic Sotto, Sharon Cuneta, Nadine Lustre, Toni Gonzaga, Piolo Pascual, Dawn Zulueta, at Claudine Barretto.  Ang national campaign nina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos ang may pinakamalaking bilang ng endorsers na showbiz personalities. Kamakailan lang inendorso ni Vice Ganda si Robredo sa rally ng kanilang partido sa Pasay. 

Pero naniniwala ako na ang malaking pagkakaiba sa kampanya ngayong eleksiyon ay ang kakaibang dedikasyon ng celebrities sa pangangampanya, lalo na’t sinasabi ng ilan sa kanila na ang kanilang pagsuporta sa mga kandidato ay boluntaryo at walang bayad.  May mga artistang sumasama pa hanggang sa house-to-house campaign.  Sabi nga, nangangampanya sila hindi para sa bayad, kung hindi para sa bayan. 

AP (Ako’y Pilipino) Partylist

Ang AP Partylist ay suportado ng cast ng teleseryeng “Ang Probinsyano” sa pangunguna ni Coco Martin.
Larawan mula kay Cocomartin_PH

Sina Coco Martin, Julia Montes, Angel Aquino at iba pang cast ng teleseryeng “Ang Probinsiyano" ay puspusan din ang pagangampanya sa kanilang matagal nang kaibigang si Congressman Ronnie Ong na ngayon ay tumatakbo sa ilalim ng AP (Ako’y Pilipino) Partylist.
Sa aming panayam kay Ong sa  Pamilya Talk F&B Live, ibinahagi niya ang kanyang pagpapasalamat sa kanyang endorsers na boluntaryo ang pagsuporta sa kanya. 

Panoorin ang aming buong panayam kay Congressman Ronnie Ong ng AP Partylist sa F&B Live ng Pamilya Talk.

“We're happy na marami tayong mga kaibigan na willing to help us for free, naniniwala sa ating adbokasiya, of course kasama na dun ang ating King of Primetime TV na si Coco Martin… Marami po tayong mga friends sa showbiz, I respect them a lot and they've been very helpful with us, sa mga programs natin,” ayon kay Ong.   

Dagdag pa ni Ong, gusto talaga ni Coco -- na dating jeepney driver ang ama -- na makatulong sa mga nangangailangan, lalo na sa transport sector.  Kaya naman tahimik lang itong tumutulong maging sa iba pang mga proyekto ng partylist tulad ng #LibrengSakay, #LibrengGulay para sa mga community kitchens, E-skwela Hub, kung saan maaaring magamit ng mga estudyante at guro ang libreng internet/computer/pritner, at iba pang mga proyekto para sa frontliners at senior citizens.

Ano man ang dahilan ng pagpunta ng mga tao sa rally – kung ito man ay para mapanood lang ang mga artista o dahil talagang naniniwala sila sa mga kandidato -- ang mahalaga ay ang gawin pa rin natin ang ating responsibilidad na magsaliksik at mangalap ng impormasyon tungkol sa mga tumatakbo.  Bayad o volunteer man ang mga artista, umaasa akong sa kanilang pagpili ng kanilang sinusuportahan ay isinasaalang-alang nila ang kanilang napakalaking impluwensya sa publiko at ginagamit nila ito para matulungan ang mga lider na pinaka mas makatutulong sa ating bansa at sa pamilyang Pilipino. (Panoorin ang aming Pamilya Talk interview kay University of the Philippines Prof. Jean Encinas-Franco and Dr. Aries Arugay ukol sa pulitika at celebrities).

 

-----

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 4:00 - 5:00 p.m. Tuesday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected]

2022 ELECTIONS

ANGEL LOCSIN

BONGBONG MARCOS

LENI ROBREDO

TONI GONZAGA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with