^

PSN Opinyon

Ang ngiti at inspirasyon na ibinibigay ng comic strips

Jing Castañeda - Philstar.com
Ang ngiti at inspirasyon na ibinibigay ng comic strips
Ang comic strip illustrator na si AJ Bacar (a.k.a. S.S.K.A.I.T.) kasama ang kanyang mga likhang sila Araw at Ulan bilang plushies.

Dahil sa issue ng disinformation at misinformation, marami ang nalilito kung ano ba talaga ang totoo, lalo na pagdating sa mga napapasa-pasang impormasyon online. Marami ang nabibiktima ng fake news. Marami rin ang nagkakaroon ng stress dahil sa negative vibes o ‘toxicity’ mula sa mga awayan sa social media. Kaya kung minsan, nakakasama rin, lalo na sa mental health, ang pagiging masyadong online. Dahil dito, may mga naghahanap ng online content at social media accounts na nagbibigay inspirasyon at positive vibes.  Ito yung mga content na nagpapangiti at nagpapagaan ng pakiramdam, tulad na lang ng comic strip ni AJ Bacar. 

Ang komiks ni AJ Bacar

Kaya nagpapasalamatan ako sa anak kong si Fiona. Tagahanga siya ni AJ at sa kanya ko Nadiskubre ko si AJ sa pamamagitan ng aking anak na si FIona. Idol niya si AJ at tuwang-tuwa siya sa mga comic strips nito.  

Kung minsan, mapaglaro talaga ang tadhana.  Halimbawa’y sa kaso ng artist na si AJ Bacar.  Engineering ang kinuha niyang kurso dahil akala niya’y ganoon din ang kursong kinuha ng kanyang iniidolong si comic book artist at Pugad Baboy creator na si Pol Medina Jr. 

“It turns out architect pala siya, huli ko na lang nalaman na architect pala siya. Na fake news ako nung bata ako. Tsaka, I think yun yung pinasahan kong course sa La Salle, so parang sabi ko engineering, okay,” sabi ni AJ. 

Pagkatapos niya sa kolehiyo, 5 taon siyang nagtrabaho bilang engineer sa isang telecommunications company.  Pero hindi pa rin nawala ang kanyang hilig sa pagguhit at paglikha ng komiks.  Kaya itinuloy niya ang pagguhit bilang hobby. Dahil naman sa ganda ng mga drawing at mga kuwentong nakaka-relate sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino, nang lumaon, sumikat ang kanyang mga komiks. Dito na siya nakilala nang husto.  

Panoorin ang aming panayam sa comic illustrator na si AJ Bacar (a.k.a. S.S.K.A.I.T.) at podcaster na si Khian Phil a.k.a. TOL

Nagsimulang gumuhit si AJ mula noong bata pa siya. Wala siyang pormal na training ngunit noong siya ay nasa kolehiyo, naging editor siya ng arts and graphics section ng kanilang school publication. Dito siya nagsimulang gumawa ng komiks.

“Maybe doon nahasa, doon ko naalala na sobrang corny ng mga komiks ko. Sabi ng mga mga friends ko, ‘ano ba yang mga komiks mo, di ko ma gets?’ and now were here,” ang sabi ni AJ. 

Ginawa ni AJ noong 2016 ang Siya, Sila, Kayo, Ako, Ikaw, Tayo or S.S.K.A.I.T. Ito ang kanyang pseudonym. Hindi naging madali para kay AJ na talikuran ang isang trabaho sa korporasyon kung saan sigurado siya sa financial stability.  Matagal din niya itong pinag-isipan. Pero nang kalaunan, sinunod niya ang kanyang passion, kung ano ang nagpapasaya sa kanya.  Ito ay ang paggawa ng mga comic strips.  Matapos ang ilang buwan, nagsimula na siyang kumita sa pamamagitan ng brand partnerships ng S.S.K.A.I.T.

Isang local chocolate brand ang nakipag-collaborate kay AJ para sa comic strip na ito noong Araw ng mga Puso na nagpapakita sa isang karakter na nag-out sa kanyang mga magulang. 

“Supportive yung work environment ko na when I’m doing art, sila din mismo sumusupport sa mga merchandise ko. It’s really a positive environment din for my passion din talaga,” sabi ni AJ. 

Ang kanyang Man Vs. Ipis, Ulan, Dad Daddy Baby series na naging viral sa Facebook account ng kanyang pseudonym na may mahigit 500,000 followers.  Ang nakakatuwa sa kanyang mga gawa ay ang pagiging relatable ng mga ito. 

“Yung kay Man vs Ipis, nagsimula ito dun sa ipis sa apartment ko sa Makati, tapos nagkataon nung time na to sikat na sikat yung hugot culture din. So parang example lang ‘Ahh! May ipis’ tapos sabi ng man ‘kung lumipad parang butterfly.’ Tapos sabi nung ipis ‘kung mag effort kala mo kayo!’ Tapos parang that time nanalo si ipis. Then naging parang miniseries siya. People were really looking forward to it. Like the next day parang ‘uy ano next round nila man vs ipis?’ Then yung next din si Ulan. I think madami naka relate kay Ulan because I think it was a rainy season tapos yung parang life struggles natin as a Filipino. Yung sa simpleng pag cocommute, hanggang sa pag bangon ng umaga tapos umuulan, tapos sobrang hirap bumangon. Sa paglalaba, mga nag lalaba na mag sasampay tapos biglang uulan. So, I tried to personify yung ulan, maraming naka relate,” sabi ni AJ nang tanungin tungkol sa pinagmulan ng Man Vs. Ipis at Ulan. 

Tungkol naman sa kanyang Dad Daddy Baby series, sinabi ni AJ na nagsimula ito sa simpleng biro. “Usually di ba ang tawag mo sa tatay mo ay dad? Tapos na uso yung tawagan na ‘daddy’ sa boyfriend. So, gumawa ako ng joke na what if yung girl nasa loob ng isang car tapos nag tanong si girl na ‘daddy kumain ka na ba?’ Tapos sabay na sumagot yung boyfriend niya at dad niya? EHh di pa alam ng dad na may boyfriend na yung girl. So, naging parang very viral siya that time, like ‘ohh hala mahuhuli ka di alam ng tatay mo,’” paliwanag ni AJ. 

Ang pressure ng pagiging viral

Aminado si AJ na minsan, binibigyan niya ng pressure ang kanyang sarili para lumikha ng mga drawing na magiging viral. Ngunit naniniwala siya na ang susi sa pagiging viral ng anumang content ay kung nakaka-relate ang mga bumabasa nito.   

“I think lahat ng creators na na-encounter din ito, for sure. Yung parang magkakaroon ka ng ‘hala, na- stress ako, nag resign ako to do this full-time pero bakit parang napapagod ako?’ Dun ko na realize na parang I’m putting too much pressure on me on what I’m doing that I’m forgetting my own space, na tao ka lang rin, magpahinga wag ka masyado mag pagod. And go back with your core, with your purpose, para saan ba yung ginagawa mo? ‘Pag narealize mo yung ginagawa mo, may purpose yung ginagawa mo, ma-re-realize mo na hindi ito aligned sa ginagawa mo, wag mo masyado ipilit. Huminga ka naman,” paliwanag ni AJ.

Pagbibigay inspirasyon sa iba

Naalala ni AJ na noong bata pa siya, lagi niyang inaabangan ang kanyang mga paboritong komiks araw-araw. 

“Feeling ko may kasama ako. Feeling ko may nakaka intindi sa akin, feeling ko may nakakarining sa akin,” sabi niya. 

Bukod sa kita niya mula sa pagcollaborate ng iba’t ibang brands, mayroon din siyang mga ibinebentang merchandise ng mga karakter niya sa kanyang comic strip -- mga t-shirt, sticker, baso, stuffed toys at iba pa.  Inaabangan ko rin ang kanyang ipinangakong bagong  ‘Tita Jing’ character sa kanyang comic strip.  

Mahalaga para kay AJ na manatiling nakatutok sa kanyang pangunahing dahilan kung bakit siya gumagawa ng komiks – ang makapagbigay ng espasyo sa mga tao kung saan sila makakahinga, makaka-relax at makakatawa. Ito ang kanyang paraan upang kumonekta sa mga tao.   

“You hear these messages and when it hits you, talagang na realize ko yung ginagawa ko na may natutulungan akong tao. And it helps mold your core to where your purpose belongs na okay ito yung natutulungan mo, ito nagagawa mo sa tao,” pag-amin ni AJ. 

Masaya si AJ na sa pamamagitan ng pagsusulat at pagguhit, nakapagbibigay siya ng positibong epekto sa mga tao.  Ginagamit niya ito para mas lalo siyang magkaroon ng motibasyon upang gumawa ng mabuti. 

Payo niya sa mga gustong maging comic illustrator na tulad niya, tumutok sa kanilang kwento.  Ano ba ang mensahe nila at gusto nilang tumanim sa isip ng mga tao.  

“Simulan mo lang talaga, kasi yun yung pinakamahirap. Ang sabi ko nga kanina, ang hirap magsimula kasi masyado tayong occupied sa mga bagay na ginagawa natin.  Marami tayong gustong abutin, eto gusto ko maging ganto, pero masyado nating tinitingnan yung napakalayong goal.  Magandang simulan mo muna sa nearest thing na parang pwede mong gawin. Ano ba yung pwede kong gawin ngayon na nasa resources ko na para masimulan ko yung bagay na gusto ko talagang abutin. Let’s start small and then from there, make it a habit,” sabi ni AJ.

Nakatutuwang makita na sa gitna ng awayan at bashing sa social media, may mga tulad ni AJ na ginagamit ang kapangyarihan ng social media at ang internet para mapaganda ang disposisyon ng mga tao at magkaroon sila ng tinatawag na ‘safe space’ online.  

Puwede pong basahin ang S.S.K.A.I.T. comic strips dito!

 

-----

Watch Pamilya Talk on Facebook, YouTube, and Kumu (@JingCastaneda – 4:00 - 5:00 p.m. Tuesday & Wednesday). You can also follow my social media accounts: InstagramFacebookYouTubeTwitter and Kumu.  Please share your stories or suggest topics at [email protected]

COMICS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with