^

PSN Opinyon

Pagbangon ng ekonomiya priority ni VP Robredo — Trillanes  

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

PAGPAPANUMBALIK ng sigla nang ekonomiya sa pamamagitan ng pagbibigay tulong sa madlang Pinoy, sa maliliit na negosyo, at sa mga nawalan ng trabaho.

Bakit?

Ito kasi ang gustong mangyari at priority ni VP Leni Robredo­ oras na manalo at ilampaso ang kanyang mga kalaban sa pagka-pangulo.

Sinabi ni dating Senator Antonio “Sonny” Trillanes,  na ang Robredo presidency ay magpapatupad ng post-COVID recovery­ programs na naglalayong pasiglahin ang MSMEs at pagandahin ang purchasing power ng madlang Pinoy. Si Trillanes, na muling tumatakbong senador sa ilalim ng bandila ni VP Leni, ay nagsabi na ang legislative priority ng bagong administrasyon ay isang sari-saring mga pata­karan sa ekonomiya na magsasama ng tulong pinansyal para sa mga pinaka-apektado ng pandemya.

“Kung tayo ay magiging senador muli, at kung magi­ging presidente si VP Leni, ang unang ipapasa ko ay iyong post-COVID economic recovery program,” Trillanes said. Sa isang panayam sa programa sa radyong Biserbisyong Leni ng RMN, sinabi ng senador na ang agenda ng pata­karan ay makatutulong sa pagbawi ng ekonomiya at pagkakaroon ng mga trabaho.

“Yan po ang marching orders doon sa buong Senate slate ni VP Leni. Kasi within the first 100 days, kailangan natin itong ipatupad lalo na ang ating ekonomiya ay nasa critical condition,” ani Trillanes. Kabilang sa mga hakbang na ipapa­tupad ay ang: unemployment insurance, tulong pinansyal sa maliliit na negosyo, at isang pinalawak na programa sa tulong-pinansyal o “ayuda” para sa mahihirap na pamilya.

Bida ni Trillanes, meron pong unemployment benefits tulad ng ayuda para sa kawalan ng trabaho, para may pantustos sila sa gastusin araw-araw habang naghahanap ng trabaho. Ang unemployment insurance ay isa sa mga big-ticket programs ng “Hanapbuhay Para sa Lahat” project ni Robredo na inihayag niya noong nakaraang taon.

Sa ilalim din ng pagpapatupad ay ang tulong sa mga ma­liliit na negosyo o MSMEs, na bumubuo sa 62% ng kabuuang hanapbuhay sa Philippines my Philippines.

“Isa rin dito yung government employment program. Ito yung mag-generate ng trabaho,” ani Trillanes. “Magkakaroon tayo ng subsidy o financial assistance sa mga maliliit na negosyo para sa pribadong sektor naman ang gagawa ng trabaho,» he added.

Sa ilalim ng Hanapbuhay Para sa Lahat ni Robredo, ang MSMEs ay bibigyan ng mas malawak na access sa credit at integration sa mga public procurement program.

Gayundin, sinabi ni Trillanes na bahagi ng mga plano ni Robredo ay palawakin ang “ayuda” system para sa mga pamilya na kinabibilangan ng allotment na P216 bilyon sa national budget para sa social aid sa mga pamilya. “Meron ding ayuda sa mga pamilya para mayroon silang panggastos at purchasing power. Ito naman ang mag-i-increase ng demand sa ating ekonomiya,» ani Trillanes.

Sinabi ni Trillanes,  na ang lahat ng mga programang ito ay naglalayong bigyan ang ekonomiya ng higit na kailangan na pagsulong upang labanan ang epekto ng ng COVID-19.

ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with