Kadalasan, ang nasa-isip ay ang limpak-limpak na salapi na kinikita ng isang Pilipino seaman ngunit nakakalimutan na bilang seafarer ay hindi lahat puro saya at pasarap ngunit kaakibat nito ay ang paghihirap na dinaranas ng mga Pilipino seamen simula pa lang sa pag-apply nito sa agency hanggang sa pagtatrabaho mismo sa gitna ng karagatan mabigyan lamang nang maayos na buhay ang kanilang pamilya.
Kaya nga nabigyang buhay ang Marino party-list na binuo noong 2014 upang higit na matutukan ang mga kaakibat na mga problema na kalimitang dinadala ng ating mga seaman lalo na pag sila ay nasa gitna ng dagat ng kalungkutan pag nawalay sa kanilang pamilya sa matagal na panahon.
Sa nalalapit na May 9 na halalan muling sinusuyo ng Marino party-list ang mga botante upang maisakatuparan ang lima nitong prayoridad—cadet scholarships, family centers, trainings, free legal services and decentralization.
Ayon kay Rep. Carlo Lisandro Gonzales, kailangan talagang muling mailuklok ang Marino party-list sa darating na election upang maipagpatuloy nito ang mga layunin at programa nito para sa ikabubuti ng ating Pilipino seaman.
Ang Pilipinas ay sinasabing world’s largest supplier of seafarers as the country plays an important role in the supply of seafarers, which are the foundation of global logistics.
At ayon sa mga record nito, “the seabased sector’s remittance comprise at least 22% of the total dollar remittances of Overseas Filipino Workers (OFWs). The seafarer, like other OFWs, is often looked up to as one of today’s heroes, who through the huge remittances in billions of dollars they earn, have propped up our economy”.
Ngunit gaano man katatag ang sektor ng seafarer ng Pilipinas, hindi pa rin maiwasan ang mga problemang dala-dala maitaguyod lang ng ating mga seamen ang kanilang mga pamilya.