Narito ang mga kapaki-pakinabang na dulot ng lemon at calamansi:
1. Ang lemon at calamansi ay mayaman sa vitamin C at fiber na maganda sa balat, mata at puso. Isang anti-oxidant ang Vitamin C na nagbibigay proteksyon sa selula. Posible na makatutulong din sa sipon, lagnat, at problema sa gilagid.
2. Ang mga citrus fruits, tulad ng lemon, dalandan, orange at calamansi ay mayaman sa Vitamin C na kailangan para ma-absorb ng katawan ang iron at hindi maging anemic.
3. Hindi pa tiyak pero baka makakatulong sa pagpapayat ang lemon dahil binabawasan nito ang gana kumain. Kapag uminom ka ng lemon water ay mas busog ka. Kaya kaunti na lang ang makakain.
4. Dahil umiinom ka nang mas maraming tubig, makatutulong ito para hindi ma-dehydrate at kumulubot ang balat. Makaiiwas din sa pagbuo ng kidney stones.
5. Mag-ingat lang dahil kapag matapang ang pagkakagawa ng lemon water, puwedeng makasama sa may ulcer at makasira rin ng ngipin.
6. Subukan ang ganitong timpla: Ihalo ang 1 lemon sa 1 litrong tubig. Tamang tama ito.