Agad isusuko ng Manchurian Candidate ang soberenya ng Pilipinas kapag maging Presidente o VP. Sinustentuhan ng Beijing ang kampanya nila ng fake news mula sa troll farms. Binigyan sila ng materyal at moral support. Bilang bayad-utang susundin nila ang mga utos ng Beijing.
Pahihinain nila ang patrols ng Philippine Navy at Coast Guard sa West Philippine Sea. Kakanselahin ang mga kinontratang pagbili ng mga bagong barko, eroplano at missiles. Ibabawal ang joint military exercises ng America at iba pang kaalyado ng Pilipinas. Ipapalusot nila na inaalagaan lang nila ang buhay ng mga sundalong Pilipino mula sa tiyak na kamatayan kung magkasagupaan. Magtatahimik sila sa kabuhayan ng 350,000 na mangingisda na mina-machinegun at wino-water cannon ng Chinese gunboats sa sarili nating karagatan. Magkikibit-balikat lang sila sa pagnakaw ng Chinese maritime militia ng milyun-milyong tonelada ng isda. Papayag sila sa barya bilang parte sa paghigop ng China ng oil at gas mula sa Recto Bank natin. Magtatahimik sila tuwing asintahin ng Chinese warships ng gun control directors ang mga konting matitirang patrolya natin. Patuloy isasaisantabi ang panalo ng Manila sa Permanent Court of Arbitration laban sa pang-aagaw ng China ng siyam na bahura at isla natin. Ipupropaganda nila sa madla na mabuting kapitbansa ang bully na China.
Ang Manchurian Candidates ay secret agents ng Komunistang China. Layon nila saktan ang sariling partido o bansa. Halaw ang termino sa nobela ni Richard Condon nu’ng 1959 na isinapelikula.
Nagpopondo ang China ng Manchurian Candidates pati sa Kongreso. Kung manalo sila, ipaprangkisa nila ang public utilities sa mga kompanya ng gobyernong China. Airports, seaports, telecoms, transportasyon, tubig, kuryente, media ay mapapasakamay ng China.
Magiging mala-kolonya tayo ng dayuhang ideyolohiya.
* * *
Makinig sa Sapol, Sabado, 8-10 ng umaga, DWIZ (882-AM).