^

PSN Opinyon

HoHo tourism program nilaglag dahil sa pulitika?

GO NORTH - Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Bago pa man maisakatuparan ang special tourist transport project na Hop On Hop Off (HoHo) sa Baguio City nitong nakaraang Mahal na Araw, “naipako na ito sa krus”.

Ayon sa Baguio Tourism Council (BTC) na pasimuno ng proyekto, hindi maganda ang pagtanggap ng lokal na public utility sector sa pag-aakalang mawawalan o malaking kabawasan ang sistemang HoHo sa kanilang kita.

Isang dahilan umano kung bakit iniurong ang HoHo ay dahil sa nalalapit na eleksyon. Kung totoo ito, nasaan ang sinasabing political will na pinagyayabang ng liderato ng siyudad?

Bakit isasantabi ang proyekto na sa kinalaunan ay mabubuti ng lokal na turismo ng siyudad dahil sa malaking kabawasan sa trapiko at sistema ng turismo ng siyudad?

Hindi ba’t bago magpanukala ang BTC at City Tourism Office ay dumadaan ito sa masusing pag-aaral at konsultasyon sa stakeholders sa siyudad? Dahil daw sa “ingay” ng local transport sector sa magiging masamang epekto sa kita nila ay hindi nakunsulta ang nasabing sector bago pa man ikasa ang HoHo?  Anong klaseng pagdedesisyon ito?

Sa kabilang banda, mabuti rin at nakikinig ang administrasyong Magalong sa karaingan ng mga sector na apektado sa proyektong gaya ng HoHo. Ngunit hindi ba kaya dahil ilang araw na lamang ang Mayo 9 kaya ganito ang pag-urong sa HoHo?

Hindi ba nalilinlang lamang ang mamamayan ng Baguio City sa “political master strokes” na ito upang manligaw ng boto?

Ang Baguio ay walang ipinagkaiba sa iba pang lugar sa Pilipinas na tinotolongges ng mga tradisyunal na pulitiko!

* * *

Para sa suhestiyon: [email protected]

vuukle comment

BAGUIO TOURISM COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with