^

PSN Opinyon

Magkaisa? Oo, kontra sa tiwali at dinastiya

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

MISIS: ‘‘Wala nang pang-gatas si baby.’’ Mister: ‘‘Magkaisa na lang tayo.’’          

‘‘Pagkakaisa” ang pinaka-gasgas na salita ngayong kampanyang halalan. Bukambibig ‘yon ng maraming kan­didato sa talumpati — solusyon sa lahat ng suliranin: “Hangad ko’y pagkakaisa. Sa bakuna, magkaisa. Sa kara­litaan, magkaisa. Sa bilihin, magkaisa.”

Nagiging joke na tuloy ang pagkakaisa.

Sa totoo, napaka-halagang kilos ang pagkakaisa. Kapag mag-kapit-bisig, magagapi ang pagsubok, makakamit ang tagumpay.

May kandidatong kapani-paniwala kapag nanawagan ng pagkakaisa, at may hindi. Kung nangangako ang kan­didato ng reporma at dinedetalye ito, dapat nga mag­kaisa ang botante sa kanya. Ehemplo: iaangat ang buhay ng magsasaka at mangingisda, tutulungan sila sa binhi at pataba, bibigyan sila ng matitibay na bangka at motor at lilimitahan ang pag-angkat ng mga produktong kokum­pe­tensiya lang sa kanila. Isa pa: ikakalaboso ang mga tiwa­ling opisyal, tutugisin ang kanilang mga nakaw na yaman, uuliratin ang bank accounts nila at mga kapamilya, at susuriin ang estilo ng pamumuhay.

Nambobola lang ang kandidato sa panawagang pagkakaisa kung: bengatibo siya, pala-away o intriga ang kaanak, umiiwas sa buwis at mga pananagutan, sino­solo ng dinastiya ang mga pambansa at lokal na posis­yon, at kinukurakot ang kaban ng bayan para pambili ng boto at ma­natili sa puwesto. Nagpapauto ang makikiisa sa ganyan.

Korapsiyon at dinastiya ang sumasakal sa kaunlaran. Ang bilyon-pisong binubulsa ng mga kawatan ay hindi nabubuwisan. Pinambibili nila ng mansiyon sa abroad, alahas at sports cars. Nawawalan ng pondo ang mga pro­yektong pangkabuhayan, nutrisyon, edukasyon, kalu­sugan at pabahay. Dati-rati malaki na ang P200 milyon na nalilikom ng isang dinastiya. Ngayon target nila ay maka-P20 bilyon, maski mula sa maliit na probinsiya o lungsod. P1 trilyon ang nawawala taun-taon sa budget.

TIWALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with