Ano ba ang pinagkaiba ng popular at ng salitang “in-demand?”
Kapag popular ka, sikat o kilala ka na, hindi na dapat sinasaliksik sa Google. At dahil sikat ka, may alam na sila sa iyo — mapabata man o matanda, dayuhan man o Pinoy.
Habang in-demand, may pangangailangan para madagdagan ang kanilang kaalaman. Kaya nagsasaliksik sila at gumagamit ng mga search engines para mausisa at mabusisi ‘yung mga gusto nilang malaman.
‘Yung popular, may mga tagasunod, followers, fans o subscribers na tagasunod na. Hindi ka na kailangang i-search para makita, mahanap at malaman ang mga impormasyon.
So para sa akin, malaki ang pagkakaiba ng popular at in-demand. Depende rin ito sa pag-aanggulo at paggamit o representasyon ng media.
Ngayon kasi, ang ginamit ng “google trend” popular daw ang isang presidential candidate dahil ito raw ang “most searched” ngayon.
Palagay ko, in-demand ang ibig nilang sabihin. Bakit nga ba siya ang most searched? Ang mga tao ay nais alamin, usisain, masagot ang kanilang mga katanungan sa pagkakakilanlan, mga nagawa o “background” ng kandidatong ito.
Dito na pumapasok ang “interpretative analysis.”Kung sa Google is not necessarily news, it just information, tidbits. Depende pa rin kung sino, ano o saan ang pinanggalingan ng impormasyon.
‘Yung iba diyan, talagang magaling in masturbating the news. Imbes factual, nagiging interpretative, ini-SS para i-mind conditioning ang mga tao.
So linawin natin, in-demand ‘yung ale dahil marami pang gustong malaman sa kanya ang mga botante — hindi popular.