^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Pag-amyenda saparty-list system

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Pag-amyenda saparty-list system

Maraming party-list representatives ang sumusuporta sa panawagang amyendahan ang party-list system upang maiwasan ang pang-aabuso ng ilang sektor. Sa kasalukuyan, pawang kapakinaba­ngan para sa kanilang sarili ang inaatupag ng mga grupo. Noong nakaraang linggo, mariing binatikos ni President Duterte ang pagmamalabis ng party-list.

Mula nang ipatupad ang party-list system noong 1998 election, wala nang magandang narinig ukol dito. Maganda sana ang layunin pero mula nang dumami ang naghahangad na mapabilang sa makapangyarihang kongreso, naging kaduda-duda ang nirerepresenta ng party-list. Layunin ng party-list system na magkaroon ng kinatawan ang mga maliliit sa lipunan pero sa kasalukuyan, pansariling interes ang kanilang hangad.

Ngayong nalalapit na ang May 9 elections, dapat maging matalino na ang mga botante sa ihahalal na party-list. Maging mapanuri sapagkat maraming kuwestiyunableng party-list group. Seventy percent ng party-list groups na pinayagang makasali sa May 9 elections ay identified sa political clans at mga malalaking negosyo na wala namang malinaw na adbokasiya at nirerepresenta.

Noong nakaraang buwan, sinabi ng election watchdog Kontra Daya, 122 party-list groups sa 177 na nasa listahan para lumahok sa May 9 elections ay kuwestiyunable. Ayon sa Kontra Daya, dapat ipaliwanag ng Comelec kung bakit hinahayaan ang mga grupong ito na salaulain ang party-list system. Ang kawawa sa nangyayaring pagsalaula sa party-list system ay ang marginalized sector. Napagkakaitan at nawawalan sila ng representasyon.

Nakahihindik ang binulgar ng Kontra Daya na 44 na party-list groups ang kontrolado ng political clans, 21 ang may koneksiyon sa malalaking negosyo samantalang 34 ang walang malinaw na adbokasiya at representasyon. Mayroon ding 32 party-list groups na may koneksiyon sa pamahalaan at military, samantalang 26 ang may incumbent officials na tumatakbong party-list nominees. At ang malupit, 19 na party-list groups ang may pending na court cases.

Nawawala na ang tunay na layunin kung bakit nilikha ang party-list system. Hindi na para sa marginalized kundi para sa mga taong hidhid sa kapangyarihan. Nararapat lamang na amyendahan ito para mabago ang imahe.

DAYA

SEKTOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with