^

PSN Opinyon

Bad habits na dapat iwasan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

May mga kaugalian ang iba nating kababayan na hindi nila alam, nakasasama na pala sa kanilang kalusugan. Alamin ang mga ito at kung paano maiiwasan:

1. Laging nagpupuyat – Kailangang mag-ingat ang mga taong kulang sa tulog at laging gumi-gimmick. Ayon sa pagsusuri, ang mga laging nagpupuyat ay mas tumataas ang insidente ng sakit sa puso at kanser. Kung ika’y nag­ta­trabaho bilang night shift, kailangan ay doble ang iyong pag-aalaga sa sarili. Siguraduhing masustansiya ang mga kinakain at sapat ang pahinga.

2. Naninigarilyo at umiinom ng alak – Napakaraming sakit ang puwedeng makuha sa paninigarilyo gaya ng sakit sa baga, kanser, ubo, hika at wrinkles sa mukha. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakababawas ng talino dahil namamatay ang brain cells. Kung gustong humaba ang buhay, iwasan ang mga bisyo.

3. Kaunting uminom ng tubig – Maraming Pinoy ang mahinang uminom ng tubig. Minsan tatlong baso lang sila kung uminom sa isang araw. Kailangan natin ng anim hang­gang 10 baso sa isang araw. Matutulungan ng tubig ang mga sakit tulad ng UTI, sakit sa bato, panghihina, consti­pation at pangungulubot ng balat.

4. Hindi nag-aalmusal – Alam ba ninyo na halos isa sa bawat tatlong Pilipino ang hindi nag-aalmusal? Sa almusal, kumukuha ng lakas ang ating katawan para magtrabaho, mag-isip at magkaroon ng energy. Ang almusal ang pinaka­mahalagang pagkain natin sa buong araw. Ang mga batang nag-almusal ay nagiging mas matalino at mas mataas ang grado sa paaralan. Sa office workers, mas gaganda rin ang inyong performance sa trabaho.

5. Mahinang kumain ng gulay at prutas – Ang rekomen­dasyon ko ay kumain ng dalawang tasang gulay at dalawang tasang prutas sa bawat araw. Sa ganitong paraan, makukuha mo ang lahat ng kailangan mong vitamins at minerals. Sa mga bata at sa mga payat na tao, puwede na ang isa at kalahating tasa ng gulay at prutas bawat araw.

6. Puro taba ang kinakain – Iwasan ang mga matatabang pagkain tulad ng lechon, crispy pata, chicharon, lamanloob, at taba ng baboy at baka. Tingnan ninyo. Kung ang mantika nito ay nagiging sebo kapag nalamigan, ganundin ang mangyayari sa taba sa loob ng iyong katawan. Kung ayaw mong atakehin sa puso, bawasan ang pagkain nito.e

KALUSUGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with