^

PSN Opinyon

EDITORYAL -  Parusahan ang hindi dumalo sa debate

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL -  Parusahan ang hindi dumalo sa debate

Ngayong araw na ito pag-uusapan ng Commission on Elections (Comelec) ang ilalapat na parusa sa mga hindi dumalo sa debate noong nakaraang Sabado na inilaan para sa tatakbong presidente at bise presidente. Ang debate ay inor­ganisa ng Comelec. Ang paglalapat ng parusa ay inihayag ni Comelec Chairman Saidamen Pa­ngarungan makaraang sabihin ni vice presidential candidate Walden Bello na nararapat parusahan nang mabigat ang mga kandidatong sina Bongbong Marcos Jr. at Sara Duterte-Carpio dahil sa hindi pagdalo sa Comelec debates.

Sabi ni Pangarungan, ang mga kandidatong hindi­ naki-participate ay maaaring tanggalan ng airtime sa Comelec e-campaign. Gayunman, sinabi ng Comelec chairman na ang debates ay voluntary at hindi maaaring pilitin ang kandidato kung ayaw nitong dumalo.

Kailangang magkaroon ng kamay na bakal ang Comelec sa mga kandidatong tumatangging makisali sa inorganisa nilang debate. Dapat sa simula pa lamang, binigyan na nila ng babala ang mga kandidato o kaya pinalagda sa isang kasunduan. Tutal naman at ang Comelec ang pinakamaka­pangyarihan sa panahong ito, puwede nila itong gawin. Para saan pa at nagkaroon ng Comelec kung hindi sila magpapakita ng kapangyarihan.

Layunin ng Comelec sa pagkakaroon ng debate na malaman ang visions o mga gagawin ng kandi­datong presidente at bise presidente sa sandaling maluklok sa puwesto. Mahalaga ang debate para malaman ng taumbayan ang kakayahan ng ihahalal nilang mamumuno sa bansa. Sa pamamagitan ng debate malalaman kung mayroong kakayahan ang kandidato.

Sa hindi pagdalo nina BBM at Sara sa Comelec debates, sinayang nila ang pagkakataon. Narinig sana ng taumbayan ang kanilang mga gagawin sakali at sila ang iluklok.

Malaking sampal naman sa Comelec ang pang-iisnab ng dalawa kaya dapat lamang nilang parusahan ang mga ito. Ito ay kung magagawa nila. Una nang sinabi ng Comelec na hindi naman daw mapipilit ang ayaw dumalo.

COMELEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with