Hindi pa pormal na inindorso ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali ang UniTeam subalit ang 25 mayors ng siyudad at munisipalidad ay susuporta sa tandem nina Partido Federal ng Pilipinas (PFP) standard-bearer Bongbong Marcos Jr. at Davao City Mayor Inday Sara Duterte. Ang kagandahan lang nito, mainit na tinanggap ni Umali at kanyang maybahay na si Czarina ang UniTeam ticket sa kanilang bahay kung saan nagkaroon ng mini-rally noong Martes. Hindi lang ‘yan! Sa imbitasyon ni Umali, dumating ang mga pastors ng iba’t ibang kongregasyon sa Nueva Ecija at nag-pray over kina BBM at Inday Sara at binasbasan din sila ng biblical passages, kasama ang kanilang senatorial slates. Dipugaaaaa!
Ang mga pastors ay mula sa Alliance of Ministers and Ministries of Nueva Ecija, Nueva Ecija Prayer Warriors, at New Sow Center na naki-halubilo sa mga senatoriables na sina Harry Roque, Migz Zubiri, Rodante Marcoleta, Jinggoy Estrada, Loren Legarda at Larry Gadon. “Today is a day of celebration because we believe that the leader, the best leader of our land should be filled with the grace of God. And today it is an honor, an honor to thank You if they will be elected. They will be elected,” ani Umali. Mismooooo! Hak hak hak! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan mga kosa?
Sinabi ni Dindo Dysico, na kumakandidato bilang board member ng 2nd District ng probinsiya na maliban sa mga siyudad ng Cabanatuan at Palayan at munisipalidad ng Sta. Rosa, Bongabon, Peñaranda, at Laur, halos 25 na lugar sa Nueva Ecija ang magbibigay ng full support sa BBM-Inday Sara tandem. “Kahit iba-iba sila ng partido, nagkakaisa sila sa pagbibigay ng suporta kina BBM at Mayor Sara,” ang giit ni Dysico. Licab Mayor Femi Domingo ay susuporta sa BBM-Duterte tandem dahil hindi nila makalimutan ang tulong ng una noong masalanta ang kanilang lugar ng bagyo noong 2018. “Mga isa o dalawang buwan bago kami binagyo, nandito siya (Marcos) one whole day dahil nagsagawa ng recount dito. Nung dumating ang bagyo, binaha kami at problema namin pati bigas. Tumawag lang ako sa isa sa mga staff niya. Sinabi niya magpapadala raw sila ng bigas. Kinabukasan, dumating na ang mga bigas. Madali siyang lapitan at talagang maaasahan mong mabilis magbigay ng tulong,” ani Mayor Domingo.
Si outgoing Carranglan Mayor Mary Abad ay naniniwala na itong UniTeam ang magdadala ng Pinas tungo sa economic recovery at progress. “Naniniwala kami sa kanyang (BBM) kakayahan na pamunuan ang ating bansa. Habang sinisiraan siya, lalo lang siyang nagugustuhan ng mga tao,” ang dagdag pa ni Mayor Abad.
“Sa bayan ko, aawayin ka ng tao kapag hindi ka BBM,» ayon kay Talugtug Mayor Pacifico Monta. «Marami rin kasi kaming mga Ilocano doon at malaki rin ang utang na loob namin kay Presidente Marcos noon dahil kung hindi dahil sa kanya hindi magkakaroon ng sariling lupa ang marami sa mga taga-Talugtug.» Ayon naman kay Nampicuan Mayor Victor Badar hindi n’ya mapigilan ang kanyang constituents na iboto ang BBM at Inday Sara tandem dahil sila ang gusto nilang isulat sa balota sa Mayo. Dipugaaaaa! Hak hak hak! Lalong aangat ang ratings ng BBM-Sara tandem dahil sa suporta ng mga Novo Ecijano. Abangan!