^

PSN Opinyon

Paano iiwas sa Bangungot syndrome?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ano ba ang bangungot? Bakit maraming Pilipino ang nama­matay dito? Kung matatandaan ninyo, ito ang hinihi­nalang sanhi ng pagkamatay nina Marky Cielo at Rico Yan.

Pero gusto ko lang pong linawin na iba ang bangungot sa Bangungot syndrome. Ang bangungot ay yung nana­naginip ka nang masama. Ang Bangungot syndrome naman ay isang sakit na ang posibleng dahilan ay biglang ina­take sa puso habang natutulog, Brugada syndrome o iregular na pagtibok ng puso na maaaring magdulot ng pagkamatay at acute hemorrhagic pancreatitis.

Ang acute pancreatitis ay ang pamamaga ng ating pancreas. Ang trabaho ng pancreas ay ang maglabas ng “juices” para tunawin ang ating kinain. Sa isang araw, halos walong basong pancreatic juice ang ginagawa ng pancreas.

Dalawa ang sanhi ng acute pancreatitis: (1) sobrang pagkain ng marami at (2) sobrang pag-inom ng alak. Kapag naparami ang ating kinain, mahihirapan ang ating pancreas.

Ayon sa eksperto, baka raw namamana ang Bangungot syndrome dahil mas natatagpuan ito sa mga kalalakihan ng taga-Asia. Siguro mas malakas ding uminom ng alak ang mga lalaki.

Ang sintomas ng acute pancreatitis ay ang matinding­ pagsakit ng sikmura, na tumutugon sa ating likod. Kapag ganito ang iyong nararamdaman, pumunta agad sa ospital.

Paano iiwas sa acute pancreatitis?

1. Kumain ng 5-6 na beses sa isang araw pero pakonti-konti lang. Makatutulong ang ganitong schedule sa mara­hang pagtunaw ng ating kinakain. Para sa mga diabetiko, hindi rin gaano tataas ang iyong asukal sa dugo (blood sugar). Sa meryenda, puwedeng isang saging o mansanas­ lang. Kapag hapunan, puwedeng kalahating tasang kanin, sabaw, at isang ulam lang. Hindi ka tataba rito dahil konti lang ang kinakain mo.

2. Maglakad ng 20 minutos pagkatapos kumain. Bawal matulog agad! Kapag naparami ang kinain at biglang matutulog, baka magalit ang iyong pancreas. Sasabihin niya, “Kain ka lang nang kain, tapos hindi mo ako tutulungan sa pagtunaw ng pagkain.” Baka bangungot syndrome ang abutin mo niyan.

3. Kung iinom ng alak, lagyan muna ng pagkain ang iyong tiyan at uminom ng tubig. Masama ang alak kapag walang laman ang tiyan. Masisira ang atay at pancreas.

Kung tutuusin, mas maigi na umiwas na rin sa alak. Tubig ang pinakamagandang inumin para sa ating kalusugan. Good luck po.

BANGUNGOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with