^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sahod, dapat nang itaas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Sahod, dapat nang itaas

Bukas, magtataas na naman ng presyo ang petroleum products – ika-11 pagtataas mula Enero 1, 2022. Ang pagtataas ay dahil sa invasion ng Russia sa Ukraine na nagsimula ng Pebrero 25. Patuloy pa ang pananakop ng Russia at ina­asahang magpapatuloy pa rin ang pagtaas ng presyo ng mga produktng petrolyo. Pumalo na sa $130 bawat bariles ng crude oil at tataas pa dahil pinagbawal na ng United States at Britain ang pag-import ng langis na galing Russia.

Humihirit na ng dagdag pisong pasahe ang transport groups dahil wala na silang kinikita dahil­ sa ubod nang mahal na diesel. Bukas, P12.00 ang itataas bawat litro ng diesel. Nagbanta ang mga drayber at operator ng jeepney na titigil sila sa pamamasada kapag hindi dininig ang kanilang kahilingan. Ayon naman sa Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB­) ipamamahagi na sa susunod na linggo ang P2.5 bilyong fuel subsidy para sa mga driver­ at operators ng PUVs. Bukod sa mga drayber meron ding subsidy ang mga nasa sector ng agri­kultura.

Sa nangyayaring ito na linggu-linggong pagtataas ng petroleum products, nagkaroon na ng chain reaction at ang apektado ay ang mga mang­ga­gawang kakarampot ang sahod. Hindi na kayang maghigpit ng sinturon sa sahod na P537 bawat araw. Dapat nang dagdagan ang suweldo para makasabay sa pagtaas ng mga bilihin. Iminungkahi na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang pag­rebyu sa daily minimum wage.

Nararapat madaliin ang pagbibigay ng umento­ sa mga manggagawa para hindi naman sila maging­ kawawa. Ang huling salary increase ay ipina­tupad noong 2018. Napapanahon na para madag­dagan ang sahod sapagkat sagad na sa paghihigpit ng sinturon. Hindi na maibubuhay sa pamilya ang kasalukuyang minimum wage.

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with